Finale

12 0 0
                                    

Alam ko, alam kong nasasaktan ko na siya, alam kong nahihirapan na siya sa sitwasyon. Hindi ko na din alam ang uunahin ko. Napapagod na ako, kung hindi ako makakatanggap ng mga sigaw mula kila Tita ay siya namang sila Mama ang papalit, hindi ko naman pwedeng istorbohin si Ken dahil graduating na rin siya. Kaya ko pa naman... Kaya ko pa...

"Wala naman, masama lang pakiramdam, liratot..." Hirap na saad ko sa kan'ya, pinipilit na maging maayos ang pakiramdam, sa overworked ko ay hindi ko na namamalayan na bumabagsak na ang katawan ko. Kaya ko pa.

"Tita! Wala nga po akong mautusan kaya ako na po ang bumaba!" Impit na sigaw ko sa harap ni Tita, nakatanggap naman agad ako ng sobrang lakas na sampal, pakiramdam ko ay nabingi ako doon!

"Paano kung may nagbalak na tuluyang tanggalan ng buhay si Mama?! Hindi ka ba nag-iisip, Grey?! Kawawala lang ni Papa! Pati ba naman 'tong si Mama hahayaan mo ng mawala din? Parehas kayong tanga ng Mama, alam mo ba 'yon?!" Sigaw niya, nag-echo lang din agad ang buong sigaw niya sa loob ng kwarto.

Nade-drain din ako, ta. Ni hindi ko na matuloy ang pagre-review ko para makakuha na din ako ng Board Exam. Isama mo pa na sandamakmak ang pinapagawa sa akin. Kaya ba ng utak ko 'yon?! Alaga kay Lola, lunukin ang mga sinasabi ni Mama sa akin, damhin lahat ng sinasabi n'yo sa akin, alagaan ko pa ang mga kapatid ko, ni hindi na nga ako makapagbigay ng oras sa girlfriend ko, e. Pangako kong liligawan ko siya araw-araw pero hindi ko na magawa dahil sa mga tanginang problema na 'to!

Ang gulo-gulo nila! Nagsisisihan na sila, mas malalang away ang nangyari sa pagitan nila Mama at sa side ng pangalawang asawa ni Lola. Sila lang dapat 'yon pero bakit pati ako kailangan madamay. Gusto ko lang makasama 'yong girlfriend ko pero hindi ko na magawa dahil ayaw kong ma-disappoint kayo.

"Hindi na po mauulit," nakayukong tugon ko. Wala sila Mama, nasa bahay sila, nagdudusa pa rin sa pagkawala ng Papa nila. Habang ako? Heto kaharap ang mga anak ng nakahiga sa hospital bed, dapat kayo mag-alaga sa Mama n'yo! Bakit ako ang naiipit dito?

Hindi ko na napigilan pang maiyak sa harap ni Kira, napapagod na ako. Hindi ito madali. Ni hindi ko mai-explain kay Kira ang lahat.

"And I hate myself for that, dapat gumawa pa rin ako ng paraan para maka-usap ka, dapat hindi ako nagpapalubog sa pagod na 'yan kasi alam ko naman na ikaw ang pahinga ko..." Simpleng tugon ko, siya naman nagpupunas ng luha niya.

"Gusto kong mangako ka na kahit anong mangyari ay mananatili tayong dalawa. Na kahit nakakapagod ay walang mang-iiwan, lalabanan natin, huh? Kahit nakakagago ang buhay ay lalaban tayo. Tayong dalawa ang hahantong sa simbahan. Kasi ako sigurado na ako," bulong ko. "Pangako," sagot niya din agad. Aasahan ko ang laban nating dalawa.

"Pwede bang lumayo ka ng kaunti sa akin, Janella?" Pakikiusap ko pa sa kan'ya, siya din kasi ang kinuha ni Mama para gabay ko na rin, maalam na siya sa mga ginagawa sa opisina kaya sinasamahan niya ako sa lahat.

Maiintindihan naman siguro ni Kira ang tungkol dito 'no? May tiwala siya sa akin.

"Sorry to interrupt you, hindi p'wede ang girl friend ko." Mahina ngunit bakas ang pagiging seryoso ko. Ayos naman akong makausap niya ang girlfriend ko pero hindi maayos sa akin ang tawagin niya ulit si Kira sa naging endearment nila, past na 'yon, tol. Ako ang boyfriend ng Ex mo, tanga ka, e. Pinabayaan mo ayan tuloy napunta na sa akin.

Minsan ay gustong makipagkita ni Raven kay Kira dahil sa cravings niya sa Caldereta, gustong gusto niya ang luto ng girlfriend ko. Nahihiya nga lang daw siyang humarap kay Kira dahil namamalditahan niya raw ito.

Inayos ko pa rin ang postura ko, mas professional ako kesa sa Ex niya. Kaya kahit gusto ko siyang sapakin dahil naaalala ko ang pagtawag niya kay Kira ng endearment nila noon. Sarap bangasan ng bungo nito. Feeling ko mas bagay sa kan'ya ang walang balat ang mukha niya, mas bagay 'yong dugo.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon