12

38 4 0
                                    

Nagising na ako ng mag hahapon na pala. Dire-diretso ang pag tayo ko saka ako sumilip sa labas ng pinto.

"Oh, bakit?" Pagkabukas ko ng pinto, nakaamba nang kakatok si Ry.

"Gaga ka, tara sa baba tumulong tayo sa mga nagde-decorate na katulong doon sa likod-bahay nila, libutin na rin natin bahay nila!" Aniya.

Sumilip siya sa kwarto ko. Akala naman nito 'di maganda kwarto niya for sure maganda disenyo no'n.

Sumulyap ako sa damit ko. "Ok ba 'tong suot ko? O, papalitan ko na lang? Saka bagong gising lang ako." lagi naman kasing malalaking size ng damit ang suot ko, mapabahay man o pang alis. 'Yang babae lang 'yan ang maarte sa damit kahit sangkatutak ang laman ng aparador. Nakapunta na ako sa kanila pero sa ilang taon naming friendship, bilang lang sa kamay ang pagpunta ko roon. Lagi pang walang tao, minsan ko lang masaktuhan, mga kapatid niya pa. Ni hindi ko pa nga kabisado ang mukha ng magulang niya. Noong grade 7 lang kasi 'yong huling kita ko sa mukha ng Mama niya, the rest wala na. Simula no'n hindi na ako palabisita sa bahay nila kasi ayaw niya rin.

"Ok na 'yan! Wala naman makakakita sa 'yo, mamayang gabi pa dadating ang mga bisita." Aniya.

Tinanguan ko na lang siya. Nagsabay kaming naglakad sa corridor.

"Gaganda ng painting, 'no?" May mga painting na nakadisplay sa bawat pader na nadadaanan namin. May mga portrait ang mga matatanda. Meron doon na mukha ng pinakamatanda sa lahat. Siguro iyong great grand father nila Justine. Hindi ko sure. Baka may-ari ng mansion na ito.

Mayroong bawat family nila at mayroong buong angkan nila. Tumahimik ako sa paglalakad saka ko tinignan ang larawan ng buong angkan nila. Malaking pamilya ngunit makikita mo agad na galing sila sa magandang pamilya. Ang mga tindig nila ay matutuwid, ang kanilang ngiti ay magaganda, may lahi silang Canadian, alam ko naman 'yon saka lang namin nalaman no'ng second year high school na kami. Saka halata naman kasing may ibang lahi sila Justine. Sa kutis at sa pananalita niya pa lang, alam mo na agad, e. Pinagkakaguluhan pa nga ito ng mga babae pero iisa lang naman ang itinagal niya. Doon sila galing bago magkapag-transfer sa school namin. 

Si William naman ay magkatropa sila ni Justine doon sa Canada at magkaibigan ang family nilang pareho kaya naging magkaibigan sila. Hamak namang mas tahimik si William kaysa kay Justine.

Nakita ko ang side nila Justine kasama ang dalawa niya pang kapatid, si Celestine Hailey at 'yong bunso nila na si Jaxsen Cole. Kuha nila ang dugong Pilipino. Kamukha nila ang tatay nila ngunit nakuha nila ang puti at ganda ng mata ng nanay nila. Maganda ang mama nila, gwapo din ang tatay nila, full package na! Si Justine na lang jojowain ko. Tsar!

"Gandang lahi, palahi na kaya ako?" Ani Ry habang nakatingin din sa malaking picture na nakalagay dito sa pader, iyon ang pinakanakakaagaw ng pansin kapag naglalakad ka na sa Corridor.

"May Paulo ka, may Paulo ka tandaan mo!" Umiling lang ako. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to.

"Meron ako no'n? 'Di ko siya naging pag mamay-ari so yeah hindi, never 'kong naging pagmamayari ang isang Paulo Jerome, never ko Znaging pagmamay-ari 'yong mahal ko..."

Hinarap ko siya dahil sa isang seryosong sagot mula sa kan'ya, Hindi niya ako nilingon dahil nakatingin pa rin siya sa malaking larawan.

Saksi naman ako kung paano naging baliw 'to kay Paulo, e. nasaksihan niya rin naman ako kung paano ko mapaglaruan 'yong mga ex ko. Mga gago, e, ako pa ninais gaguhin, e, gago din ako. Mag gaguhan kami kung ganoon.

Nakakuha ako ng isang seryosong relasyon dati ngunit tumagal lamang ito ng isang taon. Ang nakakatuwa doon ay sa ika-isang taon namin doon siya nakipag hiwalay. Angas, 'di ba?

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon