5

66 5 0
                                    

"Saan muna tayo pupunta?" Ani Ry.

"Dito na muna, mag-set kayo ng gala natin tagal na no'ng last, e!"

"'Di ka kasi nasama lagi, e!" Ani Ry. May sinusubo pang monay.

"Aba! Malamang, ano ipapakain ko kila Kevin? Tangina mo, ikaw kaya magtrabaho?! Tapos ikaw na rin maging magulang nila, kung gusto mo ay magpalit tayo ngayon na, ikaw ang mamomoblema sa gastusin araw-araw tapos ako chill lang na magtatrabaho para mabili ko ang gusto ko, ano? G?" Tinigil ko ang pag kain ko ng monay na may pancit canton.

"Sabi kasing tutulungan ka namin, e! At saka, hindi naman masama na gumala kahit may priorities na. Tanga nakakapagod 'yon. dapat magsaya pa rin." pagpupumilit niya pa.

"Asus na 'yan. Magtigil nga kayo! Kaya ko pa naman at saka lahat naman tayo may mga trabaho, maliban d'yan sa dalawang spokening dollars, tamang chill lang, pauwi-uwi lang ng ibang bansa at pumunta sa mga gustong puntahan."

Nagpapasalamat ako sa kanila dahil until now nandito sila, nakagabay sa akin. 'Di ako pinapabayaan, kung panganay man ako sa mga kapatid ko ay siyang bunso ako pagdating sa walong 'to.

"Uh, Ganito na lang! Gala tayo sa sunod na linggo para mawala mga pagod natin sa pagiging working stundent!" pagsingit ni Ace sa usapan. Saka sumisimsim ng tubig niya.

"G na agad ako, kokonyatan ko ang 'di sasama!" Sigaw ni Ry. Nagtawanan kami. Nakaupo ako sa panghapag na upuan dahil puno ang upuan sa sala dahil nakumpleto nila iyon.

"O, ako bakit?" Hamon ni Paulo sa kan'ya. Nagharap na naman ang dalawang tanga, hays...

"Except pala sa 'yo, Baby kita, e!" Ang cringe man pakinggan ngunit napuno nang tawanan ang buong sala ng sabihin 'yon ni Ry. Nag 'we wala na' na ang iba samantalang ako nagkunwaring pupuntang kusina dahil sa joke ni Ry.

"Anong baby pinagsasasabi mo? Nahihibang kana ba? Hibang kana, Rielliana!"

"Nag-aaway na naman ang love birds!" Sigaw ni Enzo. Kumakain siya ng Canton. Napansin siya ni Vance.

"Hoy, gago ka! 'Wag mo naman ubusin!" Sigaw niya saka hinablot ang mangkok. Nag-agawan na agad sila.

"Baby damulag na lang," hagalpak ang pagtawa ni Ry at sumunod ang iba.

Habang pinagmamasdan ko sila isa-isa ay humahanga din ako sa mga mukha nila. 'Di ko maipagkakailang mga gwapo ito.

Si Ry na may natural na ganda na kahit hindi mo na kailangan pang lagyan ng mga kolorete sa mukha ay talagang lalabas na agad ang ganda, hindi man katangkaran pero nadadala niya ang bawat damit, styles na na-uuso. May natural na kulot na buhok ngunit sa bandang baba lang. May mga korte ang kilay na mas napagkakamalang maldita, matatangos na ilong at may magagandang mata, may mala-agilang mata. Nakakapnindig at nakakatakot kung tititigan.

Habang ang mga kalalakihan ay mapapayat ngayon, payat ngunit may ipagmamayabang. Siguro kapag lumipas ang taon ay magbabago din ang kanilang pangangatawan. Ang ayos ng mga mukha nila kung sakaling lahat sila pati ako ay maging successful someday. Ngayon pa nga lang ay nagkakagulo ang mga nasa school tuwing pumapasok na sila lalo pa kapag kasama kami, kami pa ang ipupwesto sa harapan tapos sila ay nakapuwesto sa bawat gilid naming at likod.

May mga kababaihan na naging kasintahan ng mga kaibigan ko ngunit hindi sila nagtatagal dahil napagkakamalang kami ang mga girlfriend ng mga 'to, kami pa tuloy ang nagiging dahilan ng paghihiwalayan nila, kami pa ang pinagseselosan. Lahat kami ay galing sa simpleng pamumuhay pero ang mga pangarap ay malaki, libre lang naman ang pangarap pero huwag laging libre, gumawa rin ng paraan para makuha ang lahat ng 'yon. Ako lang ang naiiba, ako lang ang walang magulang na sumosoporta, ako lang ang madaming nadadanas pero lahat ng 'to ay magbubunga, Law of Attraction.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon