13

47 2 0
                                    

"Bakit kaya gano'n asta sa akin no'n?"  Lumipas ang mga oras ng maalala ko kung anong attitude ang pinakita no'ng Grey na 'yon. Gwapo na e, kaso mukhang babae kung umasta amp.


"Tara labas na tayo, nagsi-uwian na 'yong mga bisita," Ani Justine nang makapunta sa tabi ko.


"Nandoon na ba silang lahat?" Tinutukoy ko ay sila Ry, baka kasi mga bisita nila ang nandoon.


"Nandoon na, naghanda na sila ng mga alak," tumayo na ako at sumunod na kay Justine palabas.


'Di pa rin ako maka get over sa ganda ng bahay na 'to, ay mali, mansion pala. Napakaganda naman kasi, lalabas ka, bubungad sa 'yo ang maliwanag na swimming pool, saka may pa-ilaw ang square nilang upuan! Ang tinutukoy 'kong square na upuan ay iyong disensyo na sa isang malaking square na upuan ay kakasya na doon ang ilang katao at may mesa pa sa loob, Floating deck ang tawag doon, tamang tama sa chill na inuman, nakahanda na rin ang pool area nila Justine, magsu-swimming ata kami ang kaso ay naka-dress pa rin ako. 'di ko rin naman kayang mag-swimsuit, 'di naman ako nagsusuot no'n, kahihiyan na lang kung ipakita ko ang kaloob-looban ko, 'no! Pahirapan ngang pasuotin 'tong dress na 'to sa akin, swimsuit pa kaya!?


"Punta kana lang do'n, kukuha lang ako ng shot glass natin," saka itinuro ni Justine ang pinuntahan namin kanina. Naglakad na rin ako papunta doon.


"Kayo-kayo pa lang? Nasaan ang iba?" Asik ko nang mapansin kong sina Kyle, Enzo, Ace, at Wil pa lang ang nandito. Nilingon ko ang nasa gilid ng upuan, isang lalaking naka de quatro ang nakaupo doon, si Grey. Napangiti ako sa isip ko.


"Nagsisipalitan na, ikaw na lang ang bihis pa rin, magpalit kana rin," Tumango ako, saka nilingon ko ulit ang p'westo ni Grey kanina. Ngayon, nakatingin na rin siya sa akin at pinasadahan niya nang tingin ang buong katawan ko, nailang naman ako saka ako umiwas ng tingin. Nagdire-diretso lang ako hanggang sa maligaw-ligaw na ako sa mga kwarto, oo na! mag-antay ka lang Grey nakakahiya naman kung landiin agad kita s'yempre i-daan natin sa slowly but surely para 'di ba mabaliw ka din sa akin hanggang mag propose ka.

"Nasaan ba ang kwarto ko uli, Justine?" Pinakalma ko ang boses ko.


"Sa dulo, malamang Leleng imposible namang sa gitna, 'di ba? E, 'di sana 'di mo makikita ang sunrise and sunset."


'Di ko na ulit siya pinagbigyang dugtungan ang pamimilosopo niya, umakyat na lang uli ako saka dumiretso sa dulo. Nagbihis lang ako ng simpleng hoodie na black saka nag-shorts lang din ako, malamig ngayon sa labas, gabi na at maghahating gabi na, nasa bandang overlooking kami na lugar, kaya puwede 'kong tignan ang mga City lights sa Cebu. Alam ko, paborito ni Justine ang city lights kaya siguro kapag nandito s'ya, feel na feel niya ang gabi. Mamaya na lang siguro ako maligo pag natapos na ang inuman. 'Di naman ako mabilis malasing kasi nakasanayan na ng bituka ko ang alak. Bumaba na ako at dumiretso na sa labas.


"Ayos na lahat, ready na! Inuman na!" Nangunguna si Enzo sa pagsigaw. Tumabi ako sa tabi ni Ry habang katapat ko naman ay si Grey, umiwas lang ako ng tingin at baka tignan na naman ako nito. Ayan na, ha? Nagpalit na ako!


"Cheers!" Saka itinaas ang shot glass. Matapang ang alak na iniinom namin, mukhang mamahalin pa.


"Cheers!" saka itinaas ang mga shot glass, sabay-sabay namin nilagok ang bawat alak namin. 


Ininom ko na ang akin saka ko naramdamn ang init ng alak sa gumuguhit sa lalamunan ko habang pababa sa t'yan ko! Ang tapang! Nalukot ang mukha ko dahil sa lakas ng alak na 'to, The dalmore. Hard liquor nga! Ang tapang mo, girl! Nananampal kang hinayupak ka! Sinamahan ko nang pag-inom ng tubig saka ko pinisil ang lemon sa aking bibig. Lahat sila ay nagkunutan ang mga kilay ramdam ang tapang ng alak. Tiningnan ko sila Justine pero parang wala lang maski si Grey ay parang sanay na sa alak na 'to. Lasinggero ata 'to, e!


SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon