11

39 3 0
                                    

"Stop over muna tayo," nagising na lang ako nang nag-iingayan na silang lahat. Binubuksan na rin nila William ang pinto ng van.

"Nasaan na tayo?" saka ko iginala ang mata ko sa paligid para malaman kung nasaan na kami pero 'di ko mamukhaan. Malamang 'di naman ako naalis doon sa Bulacan, e.

"Thirty minutes pa byahe natin, kakain lang tayo saka dire-diretso na sa airport," saka sabay kaming bumaba ni Justine.

"Sumakit p'wet ko 'don!" Paghiyaw ni Enzo saka nag unat.

"Tara na, Leng, una na tayo sa loob," pag anyaya ni Ry sa akin, tinanguan ko siya saka kami sabay na pumasok.

"Ano? Kumusta kayo ni Paulo?" Naalala ko nga pa lang magkatabi sila. At medyo halatang may luha siya. Kagagaling lang sa iyak. Parang kanina lang ang haharot nin'yo, ha?

"Teka, wait, umiyak ka?" Bumulong naman ako at baka marinig nila ako.

Umiwas lang siya sa akin. "U-um, Inamin lang niya, Leng," nanlabo ang mga mata niya, napupuno na agad ang mata niya ng luha.

"Sabihin mo na habang wala pa sila, iiyak ka ulit tanga," mahirap magsalita lalo pa't kami lang ata nakakaalam.

"Inamin niyang girlfriend niya 'yon, e. Ang sakit, Leng, wala kasi siyang alinlangan na aminin 'yon. Bukal sa loob niyang aminin 'yon. Handa siyang magsabi agad. Proud siyang girlfriend niya 'yon... Pero paano ako? Alam niyang may gusto ako sa kan'ya... Paano ako? Ni hindi ko alam kung gaano na sila katagal o baka naman bago lang rin 'yon," pinaglaruan niya ang mga kuko niya habang nakayuko. Natataranta ako. 'Di ko alam ang gagawin.

Pinakalma ko ang boses ko. "Ok Ry, 'wag mo muna isipin 'yon, i-enjoy natin 'tong bakasyon na 'to, 'tong outing na 'to," nag-aalala ako na baka 'di niya ma-enjoy 'to.

"Sige sige," tango lamang ang sinagot niya.

Nagsikain lang kami. Saka bumalik na kami sa van.

"Kanta tayo!" Sa gitna ng katahimikan ay sumigaw agad si Enzo.

"Sige ba! 'Yong dalawang babae d'yan baka naman," pagsang-ayon agad ni Ace sa kan'ya at pagpaparinig.

"Ay, babae din pala ako," saka siya tumawa na nasundan ng mga tawa namin.

"Yvonny! Letra! Kumanta kayo!"

"Ano kakantain ko?"

"Kahit ano!"

Inayos lang nila Enzo ang speaker na dala nila, maliit lang ito pero malakas ang tunog.

"Masaya ako sa 'yo by curse one!" Sabi niya gamit ang mini microphone din.

Tinanguan ko na lang siya.

Inayos ko ang boses ko. Malamig ang boses ko habang kumakanta ngayon, nakikinig lamang sila. Nakikisabay naman sila sa mabilis kong pagkanta. Kantaan namin ito noon. Kaya kabisado ko pa rin.

"Pakagaling!" Samu't sari ang mga papuri nila. Akala mo naman hindi ako 'yong singer nila noong umuuso 'yong mga ganoong kanta. Tigilan nila ako. Mas malala nga langs ila dahil sinisigaw nila iyong dapat simpleng pagkanta lang.

"Go, Rielliana!" Saka nila pinatugtog ang kakantain niya. Hinaplos ko ang hita ko.

"Say something, I'm giving up on you... I'll be the one, if you want me to... Anywhere, I would've followed you... Say something, I'm giving up on you..."

Mahinhin ang mga boses ngayon ni Rielliana, ang bawat lirikong kan'yang ibinibigkas ay para kay Paulo. Tinignan ko sila. Napatingin ako kay Paulo na katabi lang nila Ry. Habang pinagmamasdan ko sila ay unti-unting lumingon si Paulo sa kan'ya ngunit hindi nakikita ni Ry dahil nakapikit ito.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon