20

26 2 0
                                    

"Wow, Tita!" Ani ko.

Ngayon ay nakalipat na ako dito sa Q.C, kila Tita.

"Maayos ba, 'nak?" Saka niya tinitigan ang bahay na nasa harapan namin. Pareho kaming nakatingin sa isang malaking bahay niya.

"Sobrang ganda po!" Dahil yung huli kong punta dito ay brown lang ang kulay ngayon ay puti na. Mas naging maaliwalas ang buong bahay.

"Inayos namin nila Kevin itong bahay habang wala ka pa para naman maganda ang sasalubong sa 'yo pag-uwi mo dito Welcome, Architect Villaluz!" Ngumiti pa siya ng pagkalaki-laki. Si Papa ka 'ta? Grabe! About seven years pa, Tita, bago ako magkaroon ng gan'yan pero thank you!

Matapos kasi ang graduation at ang celebration namin ay umuwi na ako dito. Nag-stay na muna ako buong gabi sa Bulacan at ngayon lang ako nakauwi. Dalawang araw muna ako nag-stay sa Bulacan bago umuwi. Naalala ko ang saya at iyakan namin.

"Hala, Leng! I want to cry again! Aalis ka na!" Ani Ry. Nandito kami ngayon sa bahay namin at nag-inuman lang at kaunting kasiyahan.

"Bakit na naman?"

"Maninibago ako!" Nag-pout pa siya na animo'y nagpapaawa.

"Nandito pa naman itong mga 'to. Iniiyak iyak mo?"

"Uhm..."

Sandaling katahimikan ang nangyari sa pagitan naming lahat. Nakapabilog kaming lahat at kaming dalawa ni Grey ang magkatabi. Pinasama na naman kasi ni Justine.

Nilingunan niya ako at tinitigan diretso sa mata. "Hindi, Leng. Seryoso. I-I will miss you so much. For almost 6 years never tayong nagkahiwalay. Hindi tayo nag-iwanan. May mga times na nag-aaway tayo, sagutan, tampuhan, pero it doesn't mean na iiwanan natin ang isa't isa. That's why ganito ako ka drama ngayon kasi hindi ako sanay! Maninibago ako ng sobra-sobra. Lalo pa't ikaw lang ang mahihiwalay sa amin! Paano kung may mangyari sayo doon? Paano namin malalaman agad? P'wede bang dito ka na lang mag-college?" Ang kan'yang mga kilay ay nagsisilabanan.

"Mag-ingat ka palagi, pre,"

"Dalawin ka namin minsan doon, dalawin mo rin kami rito para fair,"

"Bakla ako pero nagiging Kuya mo na rin ako, kaya mag-ingat ka palagi roon, baby sis! You know how much I love you, right?"

"Pakening shet! English!"

"I know... I know how much you love me," sagot ko.

"Lekeira, mag-ingat ka palagi roon. Tanga ka pa naman," sabi ni Kyle. Nagtawanan naman agad ang lahat.

"Punyeta kang gago ka!"

"Joke lang! Joke lang, e! S'yempre ang seseryoso nin'yo!"

"Tse!"

Kahit gano'n pa man, ramdam ko na mahal nila ako. Na mamimiss nila ako at ang presensya ko.

Tahimik ang lahat habang si Ry lang ang nagsasalita. Nakatitig naman ako sa kan'ya habang binabanggit ang mga gustong sabihin.

"Gustuhin ko man, Ry, pero doon ako sa mas pangarap ko. Doon ako sa alam kong mamahalin ko ng sobra. Pupuntahan ko kayo dito, pangako," Nagtaas pa ako ng kanang kamay.

"I just want to say na mag-ingat ka doon, to be honest, hahanapin kita lagi kahit pa'y nandito si bakla sa akin, mamimiss ka naming dalawa mong sisteret... Pero tandaan mo, ha?! Kahit magkaroon ka doon ng mga bagong kaibigan don't forget na may mga kaibigan ka dito! Tamo! Malaman ko lang talaga na pinagpalit mo 'ko? Mag eeskandalo ako doon!" Lahat kami ay natawa sa sinabi niya. Palihim kong pinunasan ang luha sa gilid ng mata ko. Nagbabadyang kumawala.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon