17

27 3 0
                                    

"Uhm... A-ano... Eto..." Pinutol niya ang sasabihin niya saka inangat ang mukha at tumingin sa mga mata ni Ry, diretso sa mata ni Ry. Hindi ko ginagalaw ang ulo ko tanging mga mata ko lang ang nagalaw sa ngayon. "...Si Riean... Girlfriend ko, nabuntis ko." Aniya. Napabuntong hininga siya. Diretso ang mga tingin sa mata ng katapat niya.

Lahat kami ay natahimik sa balita niya. Balita ba iyon? Mukhang hindi naman kasi hanggat hindi tinatanong hindi niya sasabihin.

Nakatitig din siya sa harapan niya. "H-huh?" Utal na saad ni Ry.

Nagsalit-salitan ang tingin namin sa kanilang dalawa. Halos naramdaman ko ang nararamdaman niya. Kahit sobrang tagal na, taon na ang nagdaan, ramdam ko 'yong sakit.

Nagpapakiramdaman kami sa tensyon ng dalawang magkaharap. At the first place, my girlfriend pala siya? So, it means... there's cheating involved, am I right? Like, may girlfriend pala siya, kung hindi niya pa nabuntis, hindi niya sasabihin.

Cheating sa akin iyon. You. May girlfriend. And then, nagawa mong pumatol sa kaibigan mo just because umamin ang kaibigan mo? Bakit no'ng una, hindi mo pinaliwanag, hindi ba? Tama ba?

Kaya alam kong infatuation lang ang nararamdaman ko kay Grey, sa gwapo niya, sa mukha niya, sa lalim ng boses niya, buong pisikal niya, naa-attract lang ako kasi kung love ang nararamdaman ko para sa lalaking 'yon, wala akong sakit na nararamdaman ngayon.

At takot na rin ako...

Nawala ang ngiti niya. "N-nabuntis ko siya." Saka yumuko si Paulo. Ramdam na ang tensyon sa kanila at pati sa buong sala.

Malungkot siyang tumawa. "It's a prank, gano'n? Haha, good 'yan, Paulo," Pagpeke pang tawa ni Ry sa kan'ya. Hindi pa ako p'wede pumunta sa tabi niya.

Kung paano niya pineke ang tawa ay halos mapaniwala kaming totoo siyang tumatawa. Kapag tumingin ka sa mata niya, namamasa-masa na ito. Ganoon siya kagaling magtago ng nararamdaman. Ni hindi mapaghahalataan. Kaya hindi ko alam kung gaano kadaming sikreto na nito ang hindi ko alam. May alam ba ako? Wala siguro.

Humarap siya sa kan'ya. "Hindi biro 'to, Ry," Seryosong tugon ni Paulo sa kan'ya.

Hindi biro pero bakit hinalikan mo siya? Hindi biro pero bakit pumatol ka?

"Wait... Kung may girlfriend ka, ilang buwan?" Singit ko an hindi ko na napigilan.

"Leng..." Ni halos sabay-sabay silang nagtawag sa pangalan ko. Nilingunan ko ang boys na may pagtataka.

"No... Kung girlfriend mo nga talaga 'yang sinasabi mo at matagal na kayo... Saglit. Kayo na ba no'ng girl bago pa man dumating iyong birthday ni Justine?" Kunot ng sobra ang kilay ko habang sinusundan ng kamay ko ang pagpapaliwanag ko.

"October 17."

Tanging nasagot niya.

"Specific, Paulo. Hindi ako manghuhula rito," pagtataray ko.

"Lekeira," tawag ni Kyle pero sinulyapan ko lang siyang sgalit at pati siya nairapan ko.

"October 17 noong grade 8... ko siya naging girlfriend,"

Halos maubos na siguro ang laway nito kakalunok.

"E, tanga ka nga pala talaga?" Nagmukhang inosenteng tanong ito na may pagkasarkatikong tugon.

"Kira—"

"May girlfriend ka sa loob ng apat na taon tapos ginawa n'yo 'yon? May girlfriend kang matagal, long term relationship. LONG TERM RELATIONSHIP, PAULO. You cheat. Sumagi ba sa kokote mo 'yong girlfriend mo nang gawin mo 'yon? Ikaw, Ry? Alam mo bang may girlfriend 'to?" Baling ko sa kaibigan.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon