6

48 5 0
                                    

Lumabas ako ng kwato ko saka dumaan sa harap ni Ry, "Nasaan na sila?"

"Parating na daw," Saka niya tinuloy muli ang pag p-phone.

Kailangan kumpleto kami. "Ang tagal, gaga parating na 'yon si Kael,"

"Eto na!" Tiningala niya pa ako at nagkunot pa ng kilay. O, sige magpamalditahan tayo ngayon.

Kaarawan ngayon ni Kael. Kamatayan din ni Papa ngayon. Nagsidatingan na sila matapos ang trenta minutos ang sabi ay on the way na pero nag-aayos palang pala.

Natapos ang isang linggo nagkaroon na ako ng extra money pambili ng phone ni Kael dahil high school na rin siya. May ipon naman akong pera at 'yon ang ipinambili ko. Ang extra money pa naman ako. Nakahiwalay kasi ang mga gastusin para rito sa bahay at para sa pang araw-araw na gastusin. Siguro ay nasanay na ako dahil sa pitong taong pagtatrabaho ay ako na ang nagco-control para sa mga gagastusin namin.

'Di ako naging matipid at 'di rin ako naging magastos, binabalanse ko lang. Nagca-car wash ako, nag-crew ako sa mga fast food chain, nag-extra na rin ako sa mga tabi-tabing tindahan, sa mga burger-an, nagiging tagahugas ako at minsan naman ay nagluluto ako, at kapag may oras pa ako ay nag-eextra naman ako sa mga karenderya, at minsan ay nagiging taga alaga ng bata, naalagaan ko na noon ang dalawa 'kong kapatid noong mga bata palang sila.

Minsan naman ay nagco-commission naman ako sa mga arts na pine-paint ko o kung kaya ay drawing, minsan naman ay naging kasambahay ako ng mga Tito, Tita ko ngunit malulupit sila, sinasaktan ako pinalayas nila ako at saka ako bumalik dito sa bahay. Nagtatrabaho ako bente quatro oras kung makakatulog man ako ay apat na oras lang pinakamataas na ang walong oras.

Ngayong nagkaroon na ako ng extra money ay iniipon ko ito para pag college ko ay may pang gagastos ako at para rin sa mga susunod na taon ng pag-aaral ng kapatid ko. Ipinagpapatuloy ko pa rin ang pagco-commission ko sa arts malaking tulong para sa akin ito. Kahit papaano ay nagagamit ko ang talent ko.

Nang dumating na si Kael ay saka kami nagpwesto.

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY THIRTEEN YEARS OLD, KAEL LORC!" hiyawan namin nang sabay na pumasok si Kael at Kevin.

"Hala! Salamat po!" Ang kan'yang reaction ay talagang gulat na gulat siya dahil sa mga nakakalipas na taon ng kaarawan niya ay talagang gipit, bumabawi lang ako ngayon.

"Ang gagalang ng kapatid mo, 'te!" pagbulong sa akin ni Ace.

"S'yempre naturuan ng desiplina, e!"

"P'wede 'kong antayin 'yong panganay? O, 'di kaya 'yong sumunod?"

"Kev! Kaloy! P'wede daw ba kayong antayin ni Ace pagtanda nin'yo?" Sigaw ko sa mga kapatid ko, nagsitinginan sa akin ang mga lalaki 'kong kaibigan.

"Sira ulo ka, Ace! Mga bata pa 'to!" Sigaw ni Ry sa kaniya, nagsitawanan ang mga lalaki.

"Aantayin ko lang naman, e!"

"Pati ba naman mga bata, Ace?" Saka humagalpak ng tawa si Kyle at iba pang lalaki.

"O, ikaw na lang Kyle ang antayin ko?" Saka kami nagtawanan lahat.

Nabalot ng saya ang buong munting bahay namin. Nagsikain lang kami ng handa ni kaloy saka kami nagpawish sa kaniya.

"Mag wish kana, bunso!" pang anyaya ko sa kaniya.

Pumikit siya ng nakangiti, ngumiti rin ako habang tinitignan s'ya habang hawak-hawak ko ang cake na may kandilang may sindi.

Dahan-dahang inihipan ni Kaloy ang kandilang may sindi, saka sila nagpalakpakan.

"Yehey!"

"Lorc, come here!" Sambit ni William.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon