16

25 4 0
                                    

"Nakaayos na ba ang mga gamit n'yo?"  Sa susunod na linggo na ang High School graduation namin. Finally!

"Opo, Ate."

Ang sabi ni Tita nang magsimula ang Pebrero ay kung maaari ay mapapaaga ang paglipat namin. At ngayong Marso na ay patapos na ang eskwela ko mula sa high school. Madami-dami akong naipon mula sa pagtatrabaho ko. Nais ni Tita na alagaan namin ang aming mga gamit at magpasya kung ano ang gagawin sa bahay.

Tumingin sa akin si Ry na may luha ang mga mata. "Seryoso na ba 'to, Leleng ko?" Nakaupo sa maliit na upuang nakatabi lang sa bintana ko. Tagal ko rin dito sa bahay na 'to. 

"Oo, atras ba ako?" nilingunan ko siya ng saglit at saka ko binalingan ang kukunin kong bag na nasa ilalim ng inuupuan niya.

"Kung p'wede..."

Napangisi ako. "Siraulo, tumatanda na ang Tita ko, at saka nag-iisa na lang 'yon, kami ang tutulong sa kan'ya."

Pumunta ako sa kinauupuan niya saka ako yumuko para kunin 'yong bag ko.

"P-please?" Aniya.

Dumiretso ako sa aking aparador upang kunin ulit ang mga natitirang kagamitan. Pagkatalikod ko ay s'yang nadatnan ko ang isang Rielliana na umiiyak na. Tinawanan ko siya sa ginagawa niya kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na rin maiyak. 

Sino ba naman kasi hindi iiyak, e, 'yong kasama mong mag saya, mag plano ng kung ano-ano, partner in crime, lahat. Tapos biglang isang araw aalis ka na, iiwan n'yo na ang isa't isa.

"Anong nangyari sa 'yo?" Kumabog bigla ang dibdib ko dahil sa inaasta niya. Nagkunwari lang ako na hindi ko alam kung anong nangyayari sa kan'ya dahil kapag ipinadala ko ang kan'yang emosyon ay maiiyak lang kaming dalawa.

"Aalis ka na, e." Aniya at saka yumuko at pinaglaruan ang mga daliri. Parang bata kung umasta pero infairness sa tagal na naming magkasama ay minsan ko lang siya makitang umiyak. Tungkol pa sa mga lalaki.

"Babalik ako, hanggang sa mag graduation nandito pa ako. Gamit lang namin ilalagay doon. Ano ka ba!?" Saka ko pasimpleng pinunasan ang luha ko sa gilid ng mga mata ko.

Sinong hindi maiiyak? Almost six years. Almost six years na kami magkaibigan. Kami-kami. Then ako mahihiwalay sa kanila. Nag-iisa na lang ako kapag nandoon na ako sa syudad na maingay. 

Hindi ko pa alam ang posibleng mangyayari kapag nandoon na ako pero posibleng sobrang makakaramdam ako ng pagod. Kailangan ko ng isang Grey capsule. Bahagya akong napangisi sa naisip ko. Grey capsule amputa.

Tumingin siya sa akin na may basang mata. "Paano na lang kung sobrang busy mo na? Paano na lang kung 'di ka na makadalaw dito? Nakakainis ka, Leng!" Saka siya humagulgol nang malakas at tumayo nang mabilis saka lumakad na patakbo siyang pumunta sa akin saka niyakap ako nang mahigpit. Sa gulat ko ay muntik na kaming matumba sa kama.

"'Di pa ako mamamatay, ano ka ba?! Gago, na-iiyak na rin ako, manahimik ka na nga!" Iniwas ko ang tingin sa kan'ya at pinalo ng bahagya ang balikat niya.

"B-basta mag iingat ka doon? Kung madaming gago dito mas madami doon, manila na 'yon. Wala kami sa tabi mo para gabayan ka! Magkwento ka sa akin kapag umuwi-uwi ka dito, ha?" Saka humagulgol muli sa balikat ko. Niyakap ko pa rin siya ng mahigpit. Napangisi ako. Para kasi kaming bata na nag-iiyakan, e!

Mamimiss ko ang kakulitan namin. 'yong hatid-sundo namin sa isa't isa kapag alam naming mala-late ang isa sa amin. Iyong bukingan at sigawan, tawanan, ayaw ko magdrama pero iniisip ko palang ang hirap na. Nakasanayan kong sila kasa-kasama ko. Sila ang comfort zone ko.

"Oo naman, ano ka ba?" Habang magkayakap kami ay tumawa lang ako ng bahagya at nilingunan ko ang basang-basang mata niya. Paka-iyakin pala nito.

Umalis na ako sa yakapan namin saka ako dumiretso sa bag na nakalagay sa maliit kong upuan para tuluyan ko nang maisara iyon. Nang natapos ko na ang mga dapat iimpake ay inilabas ko na lahat dahil parating na ang van ni Tita.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon