36

18 2 0
                                    

Nagbalak ako na sosopresahin ko ngayon si Grey, hindi niya alam dahil nga surprise! Hindi na surprise kung sasabihin ko!

Malapit na rin ang Birthday ni Papa kaya baka kaming dalawa ni Grey ang pumunta sa Bulacan para bumisita. Tapos birthday naman ni Kyle sa 19. Kaya pangmalakasang inuman na naman.'

"Ate, kunin ko na po 'yong pina-customize ko po." Magalang kong bati sa kakilala ko na nagcu-customize ng mga damit. Sinabi ko namang hoodie ang ipapagawa ko.

"Sayo ba 'to, 'neng?" Takang tanong niya, pinakita niya na sa akin 'yong finished product. Ang ganda! Mustard ang kulay na pinagawa ko.

"Sa nobyo ko po," nginitian ko siya ng tipid, nakitaan ko naman ng pagkabilib ang ale.

"Magugustuhan niya ito panigurado!" Ngiting-ngiti siya sa akin habang tinitingnan ang design.

Si SpongeBob mismo ay nasa bandang dibdib, maliit lang ito. Natatawa na ako dahil panigurado maiinis sa akin 'yon dahil sa ginawa ko. Minsan lang ako maging sweet, Grey!

Next time na lang ang malaking stuffed toy.

Bukas pa ako aalis, ngayon ko lang kinuha para hindi ko na daanan ang bahay nila ate. Medyo may kalayuan, e.

Kinaumagahan ay naligo na agad ako, maghahapon na pero ngayon lang ako nakakilos!

Masyadong sunod-sunod ang pagpapagawa sa amin ng mga plates, ang dami nila, sis! Alam mo 'yon? Sobrang sakit na ng mata at kamay ko plus ang dami ring ginagawa sa UP!

Si Effiene naman ay naging busy din, nagkaroon na rin kasi siya ng madaming friends tapos ako hindi pa rin nasasanay! May mga nakilala naman na ako, mostly ay puro babae.

Sa UPD kasi ay walang mga paki ang mga tao sa 'yo doon, kung ano ang trip mo at kung ano man ang porma mo, wala silang paki, hahayaan ka nila, hindi ka din makakatanggap ng kahit anong judgement, open minded din kasi sila.

Nilagay ko na ang hoodie na kinuha ko kahapon sa paper bag. Nagdala rin ako ng sling bag, hindi naman ako magpapagabi doon, e! Uuwi lang din agad ako panigurado namang ihahatid ako ni Grey.

"Tita, aalis na po muna ako, huh? Pupunta lang po ako kila Grey, sasaglit lang po ako," pagbungad ko kay tita na nasa sala at nanonood ng TV.

"'Wag magpapagabi, huh? Delikado na ang panahon, Lekeira," seryoso niyang tugon, tinanguan ko naman siya.

Ayaw kong makaabala sa mga kaibigan ko dahil katulad noon ay may pinagkakaabalahan na silang lahat. Ako lang 'tong pa-chill na gala lang nang gala kahit tambak na ang gawain. Basta para kay Grey, go lang.

Nakatingin lang ako sa bintana, mag-aala una pa lang naman. Napangiti naman agad ako nang mapatingin ako sa paper bag. Naalala ko tuloy kung bakit nagustuhan niya ang SpongeBob.

"Walang ibang nakakaalam na obsessed ako sa SpongeBob maliban kila Mama, pati si Janella, Ex ko," napatingin naman agad ako sa kan'ya, wow! Babaero nga pala 'to!

"Naging comfort zone ko ang cartoon na 'yon, bilang anak ako ng panganay, ako 'yong naunang namulat sa mga kaganapan, every time na magkakagulo na o nagkakagulo na, pinapapasok na nila ako sa kwarto, pinapanood ng cartoons pero sa SpongeBob ako pinaka natuwa, I don't know, may part sa akin na naiingit sa kan'ya dahil kahit wala 'yong magulang niya, kahit na iisa lang ang pinaka kaibigan niya, sobrang genuine ng saya niya, that's why naging paborito ko na siya. Bonding din kasi namin ng kambal ang manood no'n," mahabang paliwanag niya. Natawa pa siya sa sinabi niya sa dulo.

Kaya no'ng nasabi niya 'yon, na-inspired ako sa kan'ya. Na na-gets niya agad ang buhay. Akala ko ako lang ang nakakaranas ng lungkot, ng sakit, at the very young age tumayo na ako bilang magulang, nawala si Papa habang si Mama nagkaroon ng bagong pamilya at ang akala ko ako lang ang nag-iisang bata na nakakaranas ng ganoon kaya iyak lang ako nang iyak kada nangungulila ako sa aruga ng magulang.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon