31

17 2 0
                                    

Nag-apply lang ako sa McDonald bilang working student, masyado ng mahal ang Architecture. Pamahal na ng pamahal. Buti nga 'tong si Effiene ay kumpleto sa gamit samantalang ako ay nahihiya ng humingi kay Tita. Ang laki na kasi agad nagagastos ko kahit na first year pa lang. 

Dagdag pagod na naman 'to, pahirap na naman siya sa nakuha kong kurso. Pero walang sukuang magaganap, pinasok ko ito, e.

"Are you busy today? Hindi ka pupunta ngayon dito?" Tanong ko sa call namin ni Grey.

"Hindi muna, Liratot..." Mahinang sambit niya, napasimangot naman agad ako. I missed him...

"Kailan pa?" Bakas sa himig ko ang pangungulila sa presensya niya.

"I don't know pa, e. Ako ang nagbabantay ngayon kay Lolo, baby..." Halata nga dahil bumubulong lang siya.

"Sige, later na lang ulit." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Binabaan ko na agad.

Naiintindihan ko naman kasi talaga, mahirap din naman ang ginagawa niya. Nagre-review siya para sa board exam na mangyayari na sa susunod na taon, kalahating taon ang review niya habang nagbabantay sa Lolo niya na si Lolo Lucas niya. Siguro sa tanda na. 

"Tangina naman," bulong ko sa pagka-inis! 

Ok na, e! Namali ang design ko! Buti na lang 'tong drafting table ko ay salamin. Ite-trace ko na lang para mapabilis. Maggagabi na rin kasi. Ang dami ko masyadong iniisip. Nadidistract ako. Kahit anong iwas ko sa nararamdaman ko, pilit na pumapasok si Grey. Nakakailang ulit na ako at halos magsugat na ang daliri ko. Naiinis ako, hindi kay Grey pero sa sarili ko. Sa pagiging selfish ko.

"Dito ulit ako ngayon, huh?!" Tanong ni Ry, nakahiga na nga sa kama nagawa pang magpaalam.

Alam niya na rin kasi na kami ni Grey, hindi ko lang sure kung nalaman na ba nila Kyle.

Buong gabi ay binuhos ko ang pagod ko sa paggawa ng plates, sa third year naman ay digital na kami, e. Gagamit na ng mga digital.

Iniisip ko na agad ang 3rd year hindi pa nga ako nagse-2nd year.

Si Ry naman ay busy sa pagbabasa basa ng nursing kinemerut niya. Wala naman akong maiintindihan doon kahit pilitin ko utak ko.

"Kumusta kayo ni Grey? Magbi-birthday na 'yon, huh?" Tanong ni Ry, nasa kusina kami ngayon, ala una ng madaling araw para lang magtimpla ng kape. Ang sabi niya kasi ay may quiz sila bukas and presentation kaya puyatan siya. Paano niya nagagawang maging blooming at fresh kahit dinudulubyo siya ng school works?

"Hahanap ako ng oras, kaya ko naman ata isingit. Kung may gagawin man ako, imu-move ko na lang muna para madiwang ko birthday niya. Ok din naman kami, medyo busy lang kaming dalawa," sagot ko, totoo naman kasi. Pareho kaming abala sa mga bagay-bagay at naiintindihan ko 'yon.

Sumali na rin ako ng nga orgs na mayroon sa Arki. Malaking tulong din ito 'no! Mas lumalaki ang mga taong nakikilala ko.

Mayroon nga isang babae na hindi mo maaalintanang Architecture ang kinuha dahil ang fresh-fresh niya. Sana all! Ako kasi para na akong bruha! Malaki na ang pinagpupuyatan! Laki ng eyebags, e!

Namimiss ko na si Grey...

Sa isang buwan ay isang beses lang kami nagkita. Gaanon na ba kami kabusy'ng dalawa? Na maski kahit pag-uusap lang sa phone ay hindi na namin magawa na. Ilang buwan pa lang kami!

Ako:

Tara, kape.

Text ko kay Grey. Nami-miss ko na talaga siya. Bukas ko na lang ituloy 'yong plates, may pasok din kasi ako bukas sa trabaho.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon