33

17 2 0
                                    

"Tara na, Ry."

Dito siya sa bahay natulog kagabi. Napagdesisyonan na rin kasi namin ang umalis muna dahil laging hindi matuloy tuloy bukod na busy ako ay natutulala na si Ry sa dami ng gawain nila.

"Saglit!" Tinawanan ko naman siya sa pagsagot niya, late na naman kasi nagising, e.

Paano niya nasusurvive ang course niya na at the first place kailangan nakatutok ka? Like, tulog mantika siya?! Paano 'yon?

Isang linggo na ang nakakaraan simula no'ng naliwanagan na kami ni Grey sa nangyari.

"Arat." Yaya na sakin ni Ry. Nauna pa ang gaga.

"Saan tayo?" Takang tanong niya.

"Aalis ka tapos 'di mo alam kung saan ka pupunta, bobo!" Sinamahan ko pa ng hindi medyo malakas na batok.

"Gaga ka kasi! Manggigising ka ng umagang-umaga para lang sabihin na gusto mong umalis tayo, wala ka naman sinabi kung saan! Ikaw 'tong bobo, e!" Nginiwian ko siya at nauna nang maglakad.

"Alam mo 'yong Venice Grand Canal?" Doon ko kasi na-isipan pumunta, para kang nasa ibang bansa kapag nandoon ka.

"Kanal lang alam ko, Leng. Pasensya ka na, god bless," ngumiti pa siya na akala mo ay plastik.

"Pero s'yempre biro lang! Oo, nakapunta na ako doon! Ako pa ba? Nandito na ako sa manila, bakit hindi pa ako gumala at humanap ng bebe, 'di ba?" Hinarap niya pa ako na akala mo ang laki ng pinaglalaban.

Pumuntang maynila para magjowa hindi para mag-aral by the way kaibigan ko nga lang pala siya.

"At saka, duh! Kaya ko naman pagsabayin, e! Jowa muna bago acads!" Kumindat pa ang tanga, tinarayan ko na lang siya.

Inabot kami ng mahigit isang oras sa pagbyahe dahil na rin sa traffic.

"Wow..." Mahinang hanga pagkapasok namin ng Uptown Mall, ang laki nga!

"Ang ganda nga," mahinang usal ko din.

"Kain muna tayo! Gutom na ako! Hindi man lang tayo nag-almusal!" Paninisi niya sa akin mula sa likod niya. Ang ingay amputek pati 'yong nauna sa kan'ya ay napatingin na rin sa kan'ya!

"Sino bang may kasalanan? Ang bagal-bagal mong gumalaw!" Paninisi ko, tiningnan ko ang mga branches ng damit na nakahilera. Hala! Gusto ko mag-try mamili ng damit! Kahit isa man lang!

"Ano? Tara? Mamili muna tayo ng damit?" Napansin niya sigurong sinusundan ko ang bawat damit na nakahilera. Ang gaganda din kasi ng design! Ngayon lang naman ako bibili, ako muna ngayon.

"May pera ka?" Takang tanong ko sa kan'ya. Nginitian niya ako ng malawak.

"Of course!" Mayabang na sagot niya. Tinarayan ko siya at tumingin sa damit na nakikita ko mula sa H&M. May nakita kasi agad akong natipuhan ko.

"Tara."

Nagsabay na kaming pumasok na doon.

"Ito? Bagay sa akin?" Takang tanong ko sa kan'ya sa napili ko.

Isa itong oversized t-shirt na black na may design na panlalaki. Naghanap din ako ng biker short para i-partner doon. Naging gusto ko na din kasi ang ganoong style dahil sa nasuot ko na ang biker short pero hoodie ang pinartner ko noon, try ko lang sa t-shirt.

Hawak ko ang dalawang hanger para ipakita kay Ry kung ok ba ang napili ko.

"Wow, huh? Ang galing mo na mamili ng damit! Babagay 'yan sa 'yo!" Nagtataas baba ang kilay niya na talagang pasado sa kan'ya ang napili ko.

Sinabihan ko siya na samahan muna ako sandali sa fitting room, panigurado ay sanay na siya sa mga sukatan. Ako hindi.

"Ito?" Pagkabukas ko ng pinto, nag-aalinlangan pa ako na ipakita sa kan'ya dahil parang hindi bagay.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon