40

18 2 0
                                    

"Kailan ka ba uuwing Pilipinas?" Tanong sa akin ni Haleinna.

Siya ang kauna-unahang pilipina ang nakilala ko pagkasalpak ko dito sa New york.

"Next year?" Pa-gaayos ko sa mga tracing paper na nagamit ko sa naging client ko.

I have finally reached my dream.

Lekeira Villaluz, Architect

"Hindi mo pa nga natatapos 'yong pinapagawa sa 'yo, e. May project pa kayo ni Engineer Smith, tapos lalayas ka na agad dito? Pupunta pa tayong London, baka nakakalimutan mo, Miss?" Namaywang pa siya sa harap ko,

Nasa maliit kaming firm ngayon, sa ngayon, makakalipat din kami sa malaking firm.

Pero hindi ko ma-imagine na maiiwan ko 'tong firm na 'to, sila ang unang nagtiwala sa kakayahan ko.

"Miss, I can't forget that, but we just got to France! Your roaming is too much, every month kailangan sa iba't ibang bansa ang mapuntahan? Ang yaman mo naman, pautang nga!" Saad ko. Kakapunta lang no'ng nakaraang buwan sa France, London naman nais ngayon.

"'Wag mo 'ko maenglish-english! Wala tayo sa trabaho ngayon!" Sagot niya. Nasa Loft house kami ngayon, loft house ko.

"Well, nasanay akong mag english! Gaga ka, ilang taon na tayo magkasama 'di ka pa rin nasasanay!" Binatukan ko pa siya nang mahina.

"Letse! Naalala ko no'ng mga unang buwan mo pa lang dito! Punyeta, paglalasing ang inaatupag mo, buti na lang pumasa ka? Laking tulong ng alak sa 'yo, huh?!" Umupo siya sa gilid ng mesa ko, pinalo ko naman agad siya.

"Stupid bitch! Babasagin 'yan! Mukha mo basagin ko, makita mo, e!" Tinuro ko pa ang inuupuan, ang mahal kaya n'yan!

"Iiwan mo 'ko dito, babae?" Asik niya, napatingin naman agad ako sa kan'ya. Familiar.

"Oo." Umiwas ako at nag phone na lang. "Ano ba 'yan! Wala na akong kasama! Babalik ka pa naman, 'di ba?" Napangiti naman agad ako, parang si Ry. Bestfriend ko.

"Kung gusto mo sama ka sa akin, may project ako doon. Tulungan mo 'ko?" Binaba ko ang phone ko at tiningnan siya.

"OMG! I will come with you!" Patili niya pang sambit. "Mame-meet ko na ang mga kaibigan mo!" Napangiti ako ng tipid sa kan'ya. Alam niya ang nangyari sa akin, alam niya ang dahilan, alam niya kung bakit ko kailangang umalis doon.

"After 8 years na walang paramdam sa kanila ay bigla kang uuwing pinas! Pa-shock effect ba ang peg mo?" Pang-aasar niya pa. Tinarayan ko naman siya.

"Kung p'wede lang na dito na lang ako tumira, e. Why not?" Pinag-cross ko ang mga paa ko at isinandal ang buong likod sa sofa.

"Why not, 'di ba? Kaso 'yong mahal mo nasa pinas kaya why not, 'di ba?" Natahimik din naman ako, tinarayan ko siya at nag-phone na lang.

Came to the point that there was not a day that I wasn't drunk. I stayed in Bicol for almost seven months and 3/4 there, I was miserable, my life was ruined, I ruined it. I drank, it got worse, got to the point that I smoked that my aunt was also mad at me because I was with my grandparents. I was always away from home because I was also drinking with others, I was very depressed then, always crying and blaming myself for everything what happened.

"Ano iniisip mo, girl?" Biglang entra niya.

"Alam mo minsan panira ka, 'no?" Sarkastikong tanong ko. Kung kailan malalim ang iniisip ay doon ako gagambalain pero kapag lutang ako ay hahayaan ako.

"Si Amara," simpleng sagot ko na naintindihan niya din naman agad.

Tomorrow is the eighth year since Amara left me, if I just took care of myself and didn't suffer from depression maybe my daughter would be eight years old now.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon