15

27 2 0
                                    

Lumipas ang buong isang linggo nang napagdesisyonan na namin magsi-uwian, nagbalita kasi ang mga iba't iba naming kaklase na madami na daw ipapasa. Nag enjoy lang kami buong mag isang linggo. Ayaw naman naming nakapag-enjoy nga kami pero magsisi-ulit kami ng Grade twelve.

"'Yong gamit n'yo ba ay naka-ayos na?" Nagsitanguan na kami saka inilalagay ang mga kagamitan sa sasakyan na pag gagamitan namin papunta sa airport.

"Maraming salamat po sa pagpapadalo nin'yo po sa amin sa inyong pamamahay," maligaya paghingi ng pasasalamat ang isa isa sa amin.

"Thank you very much, Miss Gutierrez and all of you who sincerely kept us here in your home. We are all happy to meet you, I hope to see you again," maligaya ko namang inisa-isa ang kapamilya ni Justine. Sa bandang dulo ay nandoon si Grey, nginitian ko siya saka tinanguan. Naaalala ko pa rin 'yong pagkarga n'ya sa akin pa-akyat ng hagdan kahit hindi ko man makita 'yon ay kinakabahan pa rin ako.

Sa mga nagdaang araw ay ilag ako kay Grey dahil parang kinakahiya ko ang ginawa ko ng hapon na 'yon! Naka dress pa man din ako.

"Kinagagalak din naming makilala kayo! Kapag nagka-oras kayo ay pumunta kayo dito. Welcome kayong lahat dito. Sabihan n'yo lamang si Wayne, mga hija." Ani ng matanda, abot tenga ang kan'yang ngiti sa amin.

"Maraming salamat po sa inyo, aalis na ho kami," saka kami nag-paalam at lumabas na ng mansion. Kahit nanatili kami ng isang linggo dito sa mansion ay sobrang humahanga pa rin ako sa disenyo nito.

"Can I come along?" Si Grey.

Napabalikwas ako dahil bigla-bigla siyang magsasalita.

"Bro, hindi p'wede! Ano sasama ka sa Bulacan?" Si Justine na ang sumagot habang kami ni Ry ay tinitignan sila. Oo nga naman, bakit naisipan niyang sumama? Pumupunta ba siya sa Bulacan? Kasi kung oo, bakit 'di namin siya nakikita? Taga doon lang rin naman si Justine?

"Uuwi na rin naman kami ni Drake sa Manila," Pinaglaruan niya ang ilang mga dahon na nasa paanan niya. Hapit na hapit ang polo niyang suot, isang navy blue na polo at khaki trousers. Lalaking-lalaki naman, mahal ko!

"Papayag ba sila Auntie?" oo nga, baka naman 'di na ako makabalik dito punyeta ka naman, Grey, e!

"Actually bukas pa ang alis naming lahat, ipaalam ko na lang kila Mama,"

"Ano 'to? Biglaan? Papagalitan tayo, saka how about Dianna? Danielle?"

"Sila Mama na ang bahala sa kanila, as long as Drake and I go first."

Kaya at the end ay kasunod namin ang sasakyan ng magkapatid. Sa isang linggong pag-stay namin doon ay kaming dalawa na ni Grey ang tinutukso. Gwapo naman s'ya, gentleman, medyo masungit. S'yempre ang ate mo girl nagpapabebe! Patagalin muna natin!

"Le, tignan mo 'tong Group photo natin," saka n'ya ipinakita sa akin ang larawan na nangyari kanina bago kami umalis. Pinagmasdan ko ang detalye ng larawan, mukhang 'eto 'yong nasa second floor nilang corridor na frame, ang family portrait nila ngunit ay nadagdag kami. Pinakatitigan ko nang maigi ang larawan ng bigla kong napansin si Grey, kung ano ang suot n'ya.

"Oh, bakit gulat tapos namumula ka?" naalala ko kasi na siya 'yong nasa family frame nila! 'yong nginingiti ko no'ng unang araw namin doon sa mansion nila.

"U-uh... wala hehe," plastic kong pag tugon sa kan'ya.

Buong byahe ay nangiti at hindi makapaniwala! Sa isang buong linggong 'yon 'di ko inexpect na s'ya 'yon! Sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkaganito! Sana grinab ko na ang opportunity na lapitan siya! Bakit kasi napakagwapo?! Plus, 'yong nangyari doon sa pool, naghubad ako non! Nakakahiya! Sa mga nag daang araw naman ay 'di kami nagpapansinan, kung nasaan man si Grey ay salungat ang lugar ko, maka-iwas lang. malay mo may girlfriend pala 'yan. Malay mo engaged na siya, we don't know. Ganoon sa mayayaman, e. arrange marriage ba.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon