Part 27

1.2K 45 3
                                    

NINA POV

Nauna akong dumating sa pinag-usapang oras namin ni Tita Sarah.

Isang buwan narin akong hindi nagpapakita sa kanila. Simula nong dinner hindi na ulit ako umuwi.

Dumating sya mag-isa. Tumayo ako at sinalubong sya ng ngiti at beso.

"kamusta kana?" ngumiti sya.

"okay lang po tita"

Nagtaas sya ng kamay at lumapit ang waiter, sinabi nya nag order nyang kape at sinabi ko rin ang order kong milktea.

"umatras na ang pamilyang Tsui para pakasalan ni Dave si Diana" pauna nya.

"bakit po tita?" napakunot ang noo ko.

"bankrupt na ang negosyo ng pamilya  Nina. Anytime aalis kami para magtago dahil sa laki ng utang natin"
Nakayukong sabi ni Tita.

Napayuko narin ako. Bumalik sa isipan ko ang lahat ng narinig ko nong gabing yon.

"ikaw nalang ang pag-asa namin Nina" bigla nyang sinabi.

"bakit ako tita?"

"magpapakasal ka kay Dave, matutuloy ang investment nila sa kompanya" tinitigan nya ako.

Napangiti ako at napailing.

Nilabas ko ang pinaprint kong DNA result na pinasa ni Ate Ashley sa akin at inabot sa kanya. "hindi nyo ako kadugo, hindi rin ako anak ni Dad"

Hindi na sya nagulat. Tumango sya at halatang alam nya na ang katotohanan.

Nilabas ko ang isang peking authorization letter na ginawa ni Dad para mabuksan ang account at makuha ang pera sa Asia Bank.

"150 million ang nakuha niyo sa pera ni Mommy at pera ko" nagulat sya sa nakita nya.

"ni piso wala akong nakuha sa pension ni Mommy, sa perang to" pinipigilan ko ang boses kong huwag lumakas. "nanahimik ako tita dahil ayokong maeskandalo tayo"

Napapatitig sya sa akin at halatang hindi nya alam ang sasabihin nya. "umalis ako ng bahay na tahimik, walang nilabas na kahit anong reklamo mula sa perang pinagpaguran ni Mommy, tapos ngayon tita I pagpipilitan nyo parin ba sa akin ang isyung yan?"

"Nina hindi mo naintindihan, problemado ang Dad mo, we need your help" naluluha nyang sabi.

Nilabas ko ang ilang dokumentong naglalaman ng korupsiyon ni Dad mula sa pera ng kompanya, kasama ito sa pinadalang envelope sa akin.

Inabot ko sa kanya. "nalugi ang kompanya tita dahil sa pagsusugal ni Dad. Nilustay nya ang pera ng kompaya sa casino" pinakita ko rin ang ilang pictures ni Tito na may kasamang babae sa casino. Alam kong pamilyar  sa kanya ang babaeng yun.

Napahawak si Tita ng bunganga nya. "where did you get this?" naluluha nyang sabi.

"pinadala lang po sa akin yan tita, hindi ko kilala at hindi ko rin alam kung sino" nilabas ko ang huli, isang kopya ng deed of sale, binenta na ni Dad ang kompanya sa pamilyang Tsui.

"alam ko kung bakit kailangan nya  ako, kasi kailangan nya ng pera pambawi sa kompanya, gusto nyang makuha ang pera sa China Bank kasi kailangan nyang bilhin ulit ang kompanya ng pamilya ninyo tita" umiling ako. "gagamitin nya ako pang guarantor nya sa pamilyang Tsui"

Halos hindi na maproseso ni Tita ang bawat paghinga nya. "pasensya na po, hindi ko po kayo natutulungan tita. May asawa na po ako at buntis po ako ngayon"

Nagulat sya. "how? What?"

"nagpakasal po ako last year, buntis po ako ngayon dalawang buwan" yumuko ako. "Pasensya na po tita"

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon