Part 37

1.3K 67 9
                                    

NINA POV

Pinagsikapan kong gawin ang makakaya ko upang malampasan lahat ng pagsubok sa panganganak ko.

Ang makita syang tahimik, malusog at  nasa tamang katinuan sapat na para magkaroon na ng silbi ang buhay ko.

Ngumuso ako nang maramdaman ang pagod habang nakatitig sa kanya. Tumutubo na ang ngipin nya kaya panay ang pag-iinarte, lagnat at iyak nya.

Hinaplos ko ang paa nya at nahiga sa tabi nya. "hindi kita susukuan anak, pangako yan ni Mommy sayo, i will be here always" tumulo ang mga luha ko habnag iniisip ang kalagayan ni Mommy non, ganito rin ba sya nahirapan habang pinapalaki ako mag-isa? Siguro oo, knowing na maarte ako at suplada.

Pinaupo ko sa walker si Noah habang nililinis ang salas. Naaawa ako kay Leila. Dapat part timer lang sya pero sa lagay namin ni Noah parang nasa amin narin ang buong oras nya.

"huwag kang tamad anak, try to take a step Noah" sabi ko habang pinagmamasdan syang nakatayo lang at may tinuturo sa labas ng bahay.

Ngumiti ako. "ito yung batang may marunong nang mag desisyon para sa sarili" sabi ko kay Rio.

(anyway friend, naayos na ni Gab yung problema mo sa BIR) tinukoy nya ang maling computation ng kita last year.

"bakit si Gab?" napakunot ang noo ko.

(alam mo namang forte ni Gab ang taxes pati narin collection of sexy's)

Napatawa ako. "sira ulo ka talaga Ri"

(by the way, lumipat na ng kompanya si Gab, nasa Mall na sya. Chief accountant parin ang position pero yayamanin na ang sweldo)

Napataas ang isang daku ng kilay ko. "so?"

(charr!) tumawa sya. (feeling nakamove on na? Sa mukha ni Noah dear, imposibleng magagawa mo yan)

"Ri, wala na sya sa isipan ko"

Tumango sya. Tinuro nya ang ulo at puso nya. (magkaiba nga talaga, malayo ang pagitan, dadaan pa ng bibig eh noh?)

Napanguso ako. Parang wala lang sa kanila ni Tonya ang nangyari sa akin. Hindi ko sila makitaan ng galit kay Gab dahil hindi man sila naiinis sa tuwing sinsambit ang pangalan ni Gab.

Ilang buwan ang lumipas. Marunong nang maglakad si Noah, malikot narin kaya ako naging buntot nya bigla. Kahit nandiyan si Leila lagi, mas panatag ako kapag ako ang nakabantay sa kanya.

Napangiti ako kay Noah nang titigan nya ako habang nakataas ang isang bahagi ng labi nya. Parang si Gab talaga sya, mula ulo hanggang paa. Bawat detalye ng mukha nya kuhang kuha nya kay Gab.

"you want this?" nakangiti kong tanong sa anak ko habang tinuturo ang potato chips.

"it it it" ani nya.

Napangiti ako at kumuha ng dalawang tube ng classic at cheese flavor.

Kumuha din ako ng gummy bears, jellys and baby biscuits.

"Nina, right?"

Napakunot ang noo ko sa lalaking biglang kumaway sa harapan ko, pamilyar ang mukha nya. "yes?"

"Im Justin" naglahad ng kamay, "Asia's friend? Dinner during her birthday"

Napangiti ako bigla nang maalala sya, katrabaho sya ni Paul na asawa ng pinsan kong si Asia.

"im sorry" napangiti ako sabay lahad ko rin ng kamay sa kanya.

"how are you?" nakangiti nyang sabi sabay titig sa akin at kay Noah.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon