Part 22

977 43 4
                                    

GAB POV

Nasa bahay kami at kumakain ng almusal, maraming ulam ang nasa mesa, mga handa kagabi na naiwan. Pero isang ulam lang kanina pa binabalik-balikan ng kamay nya. Ihaw na liempo kagabi na pinainit ni nanay ng ilang besis sa microwave.

Patuloy parin sina Bing at Nina sa pagkukwentuhan, tumatawa, nagsasawayan at nagbubulungan.

Nilagyan ko ang plato nya ng ulam, hindi nya ako napansin. Napailing ako habang pinagmamasdan silang dalawa ni Bing na masayang nagkukwentuhan.

"Mamaya?" lumiwanag ang mga mata nya sa binulong ni Bing sa kanya.

Tumango si Bing. "oo, marami don"

"Pie!" Agaw ko sa atensyon nya.

Napatingin sya sa akin at napakunot ang noo nya. Bumalik na ang sigla sa mukha nya. Para syang nabuhayan at lumiwanag ang mukha nya.

"Bing mamaya na yan, kumain muna kayo" saway ni Nanay. Nilapag nya pritong letchon na naiwan kagabi.

Napatawa silang pareho, sabay tumango at kumain.

Pagkatapos nyang kumain, umakyat ako para magsepilyo. Naabutan ko syang inaayos ang mga gamit nya.

"You want to go home?" Umupo ako sa kama. Nagtataka ako at inaayos nya ang maleta nya.

Napakunot ang noo nya at umiling.  "hindi ha!"

"Anong ginagawa mo?" umupo ako sa dulo ng kama katabi nya.

"Ilalagay ko to sa cabinet, magugusot kasi ito dito" nakangiti nyang sabi.

Tumayo sya at binuksan nya ang cabinet ko, maayos ang lahat ng ayos ng mga damit ko. Ayaw ko ng magulong locker. May dalawang bakante. Inayos nya ang mga damit nya doon.

Kinuha ko ang mga underwear nya at nilagay sa kabilang drawer na bakante.

"Ano to?" Inangat ko ang isang hanger na may mga ipit.

"Para yan sa mga bra ko pie" nakangiti nyang sabi. Inabot nya sa akin ang mga bra nya. "Please"

May dala syang limang bra, sinabit ko don isa-isa. Triump, Victoria Secret at HM ang mga brands

Sinabit ko sa mga nakahanger kong polo sa sliding door ng cabinet ko.

Pagkatapos, pumasok ako sa banyo. Nagsimula nang magsepilyo habang pinagmamasdan syang inaayos ang mga dala nya.

Napapailing ako sa dami ng dala nyang gamit, nakapack naman lahat ng maayos pero kakaiba lang talaga ang mga babae.

"Pie maliligo ako, aalis kami ni Bing" nakangiti nyang sabi.

"San ang punta nyo?" napakunot ang noo ko habang nagpupunas ng mukha ko.

"Mag-iikot kami sa plaza" nakangiti nyang sabi bago nya sinara ang pintuan ng banyo.

Napailing ako. Inantay ko syang makalabas. Magpapaalam ako kasi magtatayo kami ng booth para sa homecoming namin ngayon. Gusto ko sana sya isama pero kung may lakad sila ni Bing mas mabuti yon. Ayaw kong mabored sya dito sa bahay buong araw.

Paglabas nya mabilis kong nilock ang pintuan.

Napangiti ako nang maamoy ang nakakaakit nyang bango. Napaupo ako at pinagmasdan sya. Makinis, maputi at napakaganda. Hindi nakakasawa ang mukha nya.

Hinubad ko ang suot kong damit at niyakap sya mula sa likuran. Napatawa sya pero ako kakaibang sensasyon na ang nararamdaman ko ngayon. Uminit agad ang buong katawan ko habang naamoy ko sya.

"Pie, may lakad kami" saway nya.

Hinalikan ko ang balikat nya, ilang besis bago ko pinaramdam ang laki at tigas ng alaga ko. "Pie pag hindi to makapasok, magtatampo to" bulong ko na ikinatawa nya.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon