Part 13

1.9K 51 5
                                    

NINA POV

Maaga kong hinanda ag sarili ko, minsan lang kami nagkikita ni Dad. Kung sya ang tumatawag o may kailangan na makita ako either pagagalitan o may ipipilit syang bagay na hindi ko gusto. Yan lang naman lagi ang habol nya.

Ten minutes to ten ako dumating, umupo ako sa sofa sa tabi ng mesa ng sekretarya ni Dad matapos syang magtaas ng kamay at pinapasok ako sa loob ng office ni Dad.

Kabado ako at halos hindi na makahinga ng papasukin na ako sa office ni Dad.

Naabutan ko syang seryoso at nasa mga papeles ang atensyon. "sit down" nilahad nya ang upuan sa harapan ko.

Tahimik akong umupo at pinagmasdan lang sya.

Inayos nya at itinabi ang mga papeles tsaka ako hinarap. "I have a friend who wants to invest in the business" sumandal sya sa swivel chair nya. "they have a very good background in business and very successful" dagdag nya pa.

Kinakabahan na ako kahit intro palang ang sinasabi nya. Alam ko na agad kung san to patungo.

"naalala mo pa ba ang Tito Benedict mo?" nagtaas sya ng kilay sa akin.

Tumango ako. Oo, may ari sila ng malaking Fish port.

Umangat ako ng tingin sa kanya hinintay ang sunod nyang sasabihin. Naglalaro sa isipan ko kung ano pwedeng hinging pabor ni Dad o kaya kung ano gusto nyang ipunto.

Alin kaya ang gusto nya, bumukas ng negosyo at ipasok ako don, gumawa ng reaserch at survey? Maghanap ng business site o kaya magman--

"He has a son, who just graduated his MBA in the US" sabi nya.

Napalunok ako habang inaabsorb ang gustong sabihin ni Dad.

"im thinking about you, your in the right age and --" diretsa nyang sabi.

"D-dad" pinutol ko ang gusto nyang ipaabot sa akin.

"this is the first time I think about you, he's a good man and very talented" seryoso nyang sabi.

"pero Dad, im not yet ready" nanginginig kong sabi. Ayokong sirain ang araw nya pero mas ayaw ko ang gusto nyang mangyari.

"Nina, i know that boy very well. He's a good asset in our company." may inis na sa boses ni Dad.

"Dad my boyfriend na po ako" diretsa kong sabi.

Nagtaas sya ng kilay sa akin at tumango. "katulad mo rin? May kakarampot na kita?"

"D-dad" umiling ako at sinubukang ipaliwanag ang lahat pero dinampot nya na agad ang telephone at tinawagan ang sekretarya nya sa labas.

"im ready for my meeting" sabi nya at tumayo na.

"D-dad" tumayo ako.

"your tita Sarah invite him over for a dinner, bukas, i want you to be there. Dont fail me Nina. Dont you dare!" sabay turo sa akin.

Halos ramdam ko ang parusang nakaabang sa banta nya sa akin. Lumabas sya ng opisina at naiwan akong nakatulala.

Ganito ako ka walang kwenta sa mga mata nya. Para sa kanya wala akong halaga. "He's a good asset in our company." napangiwi ako nang bumalik sa isipan ko yan.

Umiling ako at pagod na lumabas ng opisina ni Dad.

Sa loob ng kotse ko para akong tangang hindi alam ang gagawin. How can i explain it to Gab, o sa lalaking yon that im engage and my boyfriend wants to marry me.

Nagmamaneho ako habang nag-iisip. Napahinto ako sa red light habang nasa malayo ang isipan ko.

Naaawa ako para sa sarili ko. Hindi sya umatend ng graduation ko kasi sabi nya baka may makakita sa kanya at magkaroon pa sya ng issue na pwedeng makasira sa imahe nya. Nag-apply ako sa kompanya pero hindi nya ako pinapasok dahil ayaw nyang isipin ng pamilya nina Tita Sarah na mas pinapaboran nya ako kesa sa mga anak nila.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon