Part 44

1.3K 60 26
                                    

GAB POV

Ilang linggo na akong kinukulit ni Karen, gusto nyang papermahan ko kay Nina ang authorization letter para  mabuksan ang account ni Helena Quin sa China Main Bank.

Patuloy akong umaayaw dahil ayokong maisahan nila ulit si Nina.

"nangako kang tutulungan mo ako Gab, bakit ngayon parang umaatras  kana?" inis nyang sigaw.

Napangiti ako. "natural, asawa ko si Nina Karen, buntis ang asawa ko" madiin kong sagot. "pwede ba, tigilan mo narin ako, wala ka nang mapapala sa akin"

Inis nyang tinapon ang hawak kong folder.

"alam mo ang kaya kong gawin Gab, kayang kaya kitang isumbong kay Alvarez, kaya nyang sirain record mo at ang buhay ni Nina" banta nya.

Tumayo ako at galit syang hinawakan sa panga, "subukan mo Karen, hinding-hindi ako magdadalawang isip ilantad ang lahat ng mali mo, huwag mo akong hamunin"

Nagulat sya sa ginawa ko. Noon paman, hindi big deal sa akin kung babae o lalaki ang nagpapainit ng ulo, kapag ginalit ako, walang puwang ang respeto sa akin.

Tinulak nya ako at kinuha ang folder sa mesa ko.

"sama sama tayong babagsak Gab, hindi ako papayag na ikaw lang ang masaya at umangat, hindi ako papayag" padabog nyang sinara ang pintuan ko.

Pagdating ko sa bahay, naabutan ko syang nanonood ng kdrama sa TV habang kumakain ng lumpia mula kay Nanay.

Nilapitan ko sya at hinalikan sa noo nya. Namamaga ang mga mata nya. Sa kakaiyak dahil sa pinapanood nya.

Paglabas ko, dala ko ang laptop ko. Meron akong online sideline bilang accountant. Kailangan ko lang punan ang 15 hours per week.

Tumayo sya at niligpit ang pinagkainan nya. "pie, kakain kana?"

Nilingon ko sya at tumango ako.

Ngumiti sya at halos mawala na ang mga mata nya dahil sa kakaiyak nya.

Pumasok sya ng kusina at pinaghanda ako. May pinadalang mga ulam si Nanay para sa amin. Iinitin nalang ito ni Nina, pero minsan nasusunog pa.

Nilapag nya ang plato para sa akin, karne at gulay. Umupo sya sa tabi ko, "pie, kung may oras ka pa tulungan mo naman ako sa BIR ko.  Nagkafines ako dahil nahuli ako. Hindi ko kasi mabalance ng maayos"

Tumango ako. "iuwi mo bukas, gagawin ko"

Ngumiti sya at tosong hinaplos ang braso ko, "kahapon ko pa inuwi"

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mukha nya. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya at mabilis naman siyang pumasok sa kwarto para kunin ang bag nya.

Nahihiya pa syang ipakita ang mga corrections.

"paano ka nakalusot ng ilang taon?" tanong ko habang sinusuri paano dinumihan ang gawa nya.

"Pinapagawa ko" ngumuso sya.

"ba't di mo ipagawa ulit ngayon?" di ko maiwasan ang mapailing. Matalino naman si Nina, magaling din sa paghawak at pamamahala ng negosyo pero buhat nong college pa kami, kahinaan nya talaga ang accounting.

"syempre buntis na ako, hindinna tatalab ang ganda at pagpapacute ko" nakanguso nyang sabi.

Nawala ang ngiti ko at matama syang tinitigan. Iba ang lunilipad sa isipan ko sa narinig kong yun kahit alam kong hindi kayang gawin ni Nina ang maglandi.

"pie hindi ha" agap nya. "hanggang pacute lang ako pie" nahihiya nyang sabi. Lumalim lalo ang dimples nya.

Sinara ko ang folder at tumango. Tinabi ko ang laptop tsaka nilapit ang plato sa harapan ko.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon