Part 47

1.4K 58 16
                                    

GAB POV

"cheesy line?" si Carl. "pinatulan mo rin ba?"

"oo naman, wala naman akong magagawa, kung yun ang magpapasaya sa kanya" napasilip ako sa phone ko habang kausap ang dalawa.

"sinong panalo?" si Lester.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Napatawa sila sa yabang ko pero yun ang totoo.

"sa susunod na araw na alis nya, anong plano mo?" si Lester.

Alam kong hindi na mapipigilan si Nina. Alam ko na itong estilo nyang nagpapakabait sya tapos biglang aalis at iiwan ako.

"isurpresa mo nalang, a night before sya aalis malay mo mapigilan mo pa" si Carl.

A night before sya aalis, wedding monthsary namin. Gusto ko lang kausapin sya, ayusin kami at ipaliwanag ang lahat. Napag-isip isip kong mas mabuti ngang nasa malayo sya habang nagkakagulo na ang lahat dito.

Desperado na si Alvaro at Karen na makuha ang pera. Sabagay, kung mahanap nila ang stamp ni Nina siguradong anytime mabubuksan na ang account ni Helena Quin.

"anong surpresa ang naiisip mong gawin?" si Carl.

"dinner?" napakibit balikat ako.

Tumawa sila. "grabe ka Gab, wala ka talagang espiritu ng pagka mr. Suave?" si Lester. "Mga tipo ni Nina yung buwis buhay dapat ang surpresa mo para kiligin sya"

Napatawa silang dalawa. "wala nang pag-asang kiligin pa yun sayo bro, kailangan mo nalang talagang maagapan ang lahat at maipaliwanag sa kanya ang totoo" si Carl.

Tumango ako. "hindi ko na pipigilan ang alis nya, ang gusto ko lang umalis sya na narinig nya rin ang side ko"

Tumango silang dalawa.

"susunod ka?" si Carl.

Umiling ako. "i need to stay here, plano kong unahan sya, kakasuhan ko sila para hindi sila makagalaw ng maayos"

Napatitig silang dalawa sa akin, "Gab, malaking tao ang binabangga mo" si Lester.

Umiling ako. "wala naman akong ginagawang masama, sila ang nagbukas ng kung ano ang tinatago nila"

Umiling ako at inubos ang tasa ng kape ko.

Habang iniikot ko ang phone ko at nag-iisip kung paano at ano ba ang gagawin ko, nagulat ako nang makita ang video nina Drake at Karen habang may ginagawang  kalaswaan sa phone ko.

Napataas ang mga kilay ko sa gulat nang makita na si Karen ang nagpasimuno ng pagkuha ng video.

Inunahan nito ng pagsayaw sa harapan ng kapatid ko. Tawang tawa naman ang gago. Hindi ko tinapos ang panonood, mas lalo lang umiinit ang ulo ko.

"pag-isipan mo muna ng maayos gab anong plano mo, bukas gawin natin ag paghahanda" si Lester.

Tumango rin si Lester.

Habang subsob ako sa trabaho, biglang tumawag si Karen.

"hel---"

(gab)

Napakunot ang noo ko sa umiiyak nyang boses. Hindi ako nagsalita. Pinag-iisipan ko kung patibong na naman bato o hindi.

(si Alvarez, alam nya nang ikaw ang nasa likod ng pagkabagsak nya)

Napahinto ako sa ginagawa ko at napatayo. Hindi pa pwede ngayon, hindi pa nakaalis si Nina.

"paano nya nalaman?"

(si Marcus, nagsalita na si Marcus)

Binaba ko ang tawag nang maramdaman ang kaba sa puso. Aalis na si Nina sa susunod na araw. Ang tanging magagawa ko ngayon ang masiguradong ligtas ang mag-ina kong makakarating ng Amerika.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon