Part 38

1.3K 69 18
                                    

NINA POV

Nakatitig ako sa litrato ni Gab kasama ang mga kaibigan nya sa IG. Kahit sang angulo, gwapo talaga si Gab, umaapaw talaga ang lakas ng appeal nya.

Hindi na ako umaasa na babalikan nya ako o magpapakatatay sya kay Noah. Kung nakaya nyang umapak ng amerika at nakauwi nang hindi man lang kami kinamusta mag-ina. Sapat na yun para magmove nalang ako at kalimutan sya.

Nakakatawa isipan na sinubukan ko namang makipagdate for how many times, kaso hindi rin ako masaya at laging may sabit. Kung hindi diborsyado, may girlfriend, halatang init sa katawan ang hanap, yung tamad namang lalaki ang nakakapansin ng ganda ko.

I can easily get what they want. Siguro dahil nauna ako sa lalaking mataas ang standard kaya kailangan malamangan nila si Gab para hindi ako magkaroon ng insecurities.

"Noah, no!" saway ko sa anak ko nang kamayin nya ang pasta at pinasok sa bunganga nya.

Kinuha ko ang kamay nya at pinunasan ito ng tisyu. "use this" inabot ko ang tinidor nya. Ngumiti akoat inaasahan sana ang pagpapakabait nya ngayong umaga.

"marami akong trabaho baby, huwag mo akong pahirapan ha?" ngumuso ako. Inayos ko ang bagong gupit nyang buhok.

Napatawa sya at inulit ang ginawa nya. Halatang iniinis nya ako dahil sa mga titig nya.

"bakit pati katigasan ng ulo mo minana mo pa sa dad mo? Sa akin ka magmana Noah, mabuti akong anak" ngumuso ako at inayos ang pasta sa plato nya.

Nagtaas sya ng kamay at umiling. "no!"

Napatitig ako sa kanya. Para akong nakikipagtitigan kay Gab. Imbes na magalit, tumawa ako at hinalikan sya.

Kumuha sya ng isang piraso ng pasta at nilagay sa bunganga nya habang nakatitig sa kin. Napatawa sya at inulit ng dalawang besis yun.

Dalawang taon na ang lumipas, nabuhay kaming mag-ina mula sa perang nakukuha ko sa mga shares ni Mommy. Naging magaan ang buhay ko dahil financially okay kami. Napalaki ko ang boutique at nabili ko narin ang buong building. Plano kong magtayo ng cafe para may pandagdag kita ako pagbalik namin, maliban don matagal ko na talagang gustong magkaroon ng cafe.

Ang laki ng naitulong sa akin, sa amin ni Noah ng pera ni Mom. Hindi ko naisip na mangyayari to sa akin. Giginhawa ang buhay ko at ng anak ko.

Kumuha ako ng bagong suppliers mula dito sa amerika para sa boutique ko. Mga RTW na mura pero maganda ang kalidad. Kahit nandito ako, tuloy parin ako sa paghawak ng mga paninda ko.

"humingi na ako ng tulong kay Lester, yung girlfriend nya diba engineer yun, kaya sa kanya ako magpapatulong"  si Rio.

Tumango ako. "Sige, hinihintay ko pang matapos ang disenyo Ri. Gusto ko ng dalawang palapag"

Tumango sya (walang problema, mayaman ka naman at mapera kahit sampung palapag pa yan i know kaya mo) natatawa nyang sabi.

"seryoso ako" ngumuso ako.

Napatawa sya. (namimiss lang kitang inisin Nin, ano ka ba)

Nilipat ko ang camera kay Noah, nasa harap ito ng TV at nanonood ng cartoons. Sinasabayan nya ang pagkanta ng mga karakter.

Kinilig si Rio. Halata sa boses nya ang sabik na makita sa personal si Noah habang kumakaway at ganun din si Noah sa kanya.

Panay ang tawa nito sa tuwing  ngumiti si Noah at kumakaway sa kanya. "that's your tita ganda anak" sabi ko na kinasaya ng atay ni Rio.

Naging maayos ang lahat sa tulong ng dalawa. Kaibigan ni Lester ang naging engineer ko para sa cafe.

"lei, i have a zoom meeting please bring Noah inside please?" tinukoy ko ang playroom nito.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon