Part 4

2.1K 57 1
                                    

NINA POV

Alas dyes ako nagising, sobrang sakit ng ulo ko at ang bigat ng katawan ko.

"yang!" tawag ko sa kanya pero walang sumasagot.

"yang! Ri!" halos hindi ko maimulat ang mga mata ko.

Humiga ako ulit at nagpagulong-gulong, napansin kong mag-isa nalang ako sa kama at walang tao. "mygad! Ang sakit ang sakit ngb
ulo ko"

Pinilit kong imulat ang mga mata ko kahit antok pa ako. Matagal akong nakadungaw sa ceiling at pinagmasdan ang disenyo nito.

Uminat ako at itinaas ang mga paa ko tulad ng nakasanayan kong gawin tuwing umaga.

Napansin ko ang suot ko at ang ibang disenyo ng kwarto. Nakasampay rin ang damit ko sa taas ng sofa.

Napakunot ang noo habang pinagmamasdan ang suot ko. "wala naman akong shirt na ganito?" napailing ako.

Nagmadali akong tumayo at inikot ang mga mata ko ulit sa paligid. Isang addidas bag ang naroon sa upuan. Sapatos na panglalaki at sanuk na kulay abo.

"oh my god!" ginapangan ako ng takot bigla. "what happened?" nagmadali akong magbihis ng damit ko at lumabas agad sa kwartong yon, napalunok ako ng laway ko nang makitang nasa tabi lang pala ako ng room namin.

Baka maling room ang napasok ko kagabi. "gaga, anong ginawa mo!" inis akong napapikit ng mga mata ko habang pumapasok ng kwarto namin.

Naguluhan pa ako sa kung tama bang room namin to, pero napangiti ako nang makita ang tuwalyang nakasabit sa bintana ng room. Umupo ako sa sofa habang kinakabahan, namumula ang mukha ko at hinahabol ang hininga ko habang pilit na pinoproseso ang lahat ng nangyari kagabi.

Huli ko na napansin bagong linis ang kwarto namin.

"san ka galing?" si Tonya. Mula sa banyo.

"gaga, iniwan mo ako don kagabi noh?" inis ko syang sinagot.

"naku Nina, kung alam mo lang! Napuno ko ng suka ang buong kwarto at wala akong maalala" nakanguso nyang sabi.

"nakakainis!" inis kong sinabunutan ang sarili ko. "ganun tayo kalasing?"

"san ka natulog?" inayos nya ang suot nyang bikini.

"Dyan sa kabila" mapakla akong napangiti. "nakakahiya, wrong room ang napasukan ko" sinabunutan ko ang sarili ko.

Napaisip ako ulit, ilang bote pala ang nainom ko para malasing ako ng sobra-sobra?

Ngumiti sya at tumango. "swimming tayo?" sagot nya.

Nangunot ang noo ko. "sabi ko sa kabila ako natulog, sa room ng lalaki!"

"alam kong lalaki ang may ari ng katabing room" ngumiti sya. "okay lang kaibigan ni Rio yun, dun sya natulog sa tabi mo" kumindat sya at napangiti ako.

"thanks god, im safe!" napahilamos ako ng mga palad ko.

Napahinto si Tonya at napangiti sa akin at nag - "yeah!" ng plastic!

Tapos bigla akong napasigaw. "WHATTTT?!!!"

Napatawa sya. Tawang may halong pang-iinis. "may nangyari ba?"

"wala noh" agap kong sagot. "ewan ko!" napatitig ako sa kanya, naalala kong ibang damit ang suot ko.

Lumapit sya sa akin na may halong pang-iinis. "may nangyari noh?"

"Wala nga!" sabi ko.

Napatawa sya ulit. "lasing lasing pa ulit girl"

Napapikit ako ng mga mata ko. "swimming tayo?" anyaya ko.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon