Part 3

2.2K 65 2
                                    

GAB POV

I saw her again. Finally closer this time, noon hanggang facebook, instagram at website ko lang sya nakikila pero now after how many years. She's here, standing pretty in front of me, she's still the same head turner, cute, snobbish girl i love. I miss her so much.

Galing sa isang malaking kompanya, iniwan ko ang malaking sweldo, malaking pagkakataon at malaking mundo ng business. Nag-ipon ako para maibigay lahat sa pamilya ko while taking her aside. Hindi ako super hero na kayang ipagsabayin ang lahat, mas effective ako kung one at a time ang bawat galaw ko.

Tapos na ang obligasyon ko, naibigay ko na sa mga magulang ko ang pinangako ko, napasilbihan ko na sila. Ngayon, sya naman ang gusto kong pagsilbihan at bumawi sa lahat ng pagkukulang ko.

Pinagmamasdan ko sya habang nakatayo sya sa harap ng dunkin stand at may hinihintay. Bagay na bagay talaga sa kanya ang maging maarte. Para syang pinanganak para maging maldita.

Simula nang bumalik ako dito last month, ito na ang ginagawa ko, sundan sya araw-araw habang hinintay ang trabaho ko sa bankong pinagtatrabahuhan nina Lester at Carl.

I've been stalking her online, secretly visiting her outside the boutique and working my ass so much just to find a work that can be closer enough to have her again.

"are you sure about this Gab? Malaki ang difference ng sweldo dito kesa sa previous work mo" si Carl.

"sure na sure ako, bakit ba parang ayaw nyo akong makasama dito?" nangunot ang noo ko. Simula noong binigay ko sa kanila ang resume ko, ito na lang lagi ang tanong nila sa akin.

"hay naku, nang dahil sa pag-ibig kalahati ng million ang mawawala sayo Gabrielle" si Lester.

"alam ko yun, hindi mo na kailangang ipagsigawan yan matagal ko nang naplano to" sagot ko habang pinipermahan ang kontrata.

"bro, wala nang bawian yan ha?" paalala ulit ni Carl.

Umiling ako at napangiti habang inaabot sa kanya pabalik ang kontrata.

Magiging chief accountant nila ako. Si Lester ang Bank manager at si Carl naman ang econ specialist. Malaki ang banko at matatag na kaya hindi ako natatakot sa sweldo, natatakot ako na baka masayang lang lahat ng paghihintay ko para pagkakataong ito kung hindi ko sisimulan ngayon.

Pitong taon akong nagtiis, pitong taon din akong nagpursigido para may marating sa buhay. Gusto kong maging sandalan nya. Gusto kong maging proud sya sa akin tulad dati.

Tapos ko nang pagbigyan ang sarili ko at pamilya ko, its time to give her my everything.

Its my first day in work and surprisingly si Rio agad ang nakita ko. Expected ko nang dito sya dahil nasabi na rin nina Carl at Lester sa akin noon pa. Sa kanya kumukuha ng detalye ang dalawa para may maibalita sa akin.

"Fuck you!" bungad nya.

"makamura ka naman parang sayo may kasalanan ah!" si Carl.

Inirapan sya ni Rio. "hindi ikaw ang kausap ko!" sabi nya sabay alis sa harapan ko.

"hoy Rio magiging boss mo sya, at least be kind girl!" si Lester.

"sorry sir ha?" nagtaas lang sya ng kilay at umalis na.

I understand why she act that way. Galit sila sa akin, sobrang galit. Sinong bang hindi kung pitong taon kang hindi nagparamdam sa fiance mo diba?

Isang linggo akong hindi pinapansin ni Rio, umiiwas sya lagi at nagpaparinig as always. Hanggang sa nakahanap ako ng tyempo na makausap sya sa kitchen.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon