Part 8

1.8K 52 0
                                    

NINA POV

Naligo ako habang sya naman nakatayo lang sa dalampasigan at pinagmamasdan ako. Hindi ko alam kong sa akin sya nakatingin o iba dahil nakasuot kasi siya ng salamin kaya hindi ko makita ang mga titig nya.

"ligo tayo!" - ako.

Ngumiti sya at kumaway lang.

Nilapitan ko sya at naglahad  ako ng kamay sa kanya. "sige na, ligo kana!" hinawakan ko ang kamay nya at hinila sya.

Sa malalim kami tumambay. Magaling na swimmer si Gab kaya kampante ako. Marunong akong lumangoy pero enough lang na pang survival ang alam ko.

"ang arte mo na ah!" - ako. Binasa ko ang ulo nya at lumayo ako sa kanya. "hindi ka naman dati ganyan" sabi ko.

Dati kapag nasa playful mood ako, nakikipaglaro sya pero ngayon parang may boundaries na. Parang masyado na syang mataas, masyadong tahimik at seryoso. Nakakaindimidate syang kaharap at kausap.

Inenjoy ko nalang ang sarili ko at hinayaan syang napapailing. Napansin kong bumalik sya sa shore at may kung anong kinuha bago sya ulit bumalik sa tubig.

Hinayaan ko nalang at nagpalutang-lutang nalang ako. I must enjoy this vacation kasi pagbalik namin siguradong wala na ulit akong panahon para sa mga ganitong bagay, malapit na ang december maraming orders at mabubusy ako nyan.

"AH!" sigaw ko sa gulat. Mula sa ibabang tubig bigla nya akong niyakap at binuhat.

"magulatin ka parin!" aniya.

"akala ko kung ano na" saway ko, binaba nya ako at pinaharap sa kanya.

"smile!" sabi nya sabay angat ng camera nya.

"ang gara!" puri ko sa hawak nyang go pro, natawa sya.

Kumuha kami ng maraming pictures. May sa ilalim ng tubig at kung ano pang maisip namin. Palubog na ang araw nang umahon kami dahil narin sa malamig na ang hangin.

Sabay kaming naglakad pabalik ng cottage. Pinauna nya akong maligo habang may tinatawagan sya sa labas.

Minabilis ko ang pagligo para hindi sya mainip, pero paglabas ko nasa labas parin sya at may kausap sa phone.

Lumapit ako ng pintuan, hindi ko gustong makinig sana pero gusto kong manigurado.

"okay, okay. Text nalang kita mamaya" sabi nya.

"loyal parin ako sayo, alam mo yan" natatawa nyang sabi. "sige na, text kita mamaya. Ingat ka diyan. Love you by" paglalambing nya.

Nagtaas ako ng kilay at lumayo sa pintuan. Nagsimula na akong magbihis at binalewala nalang ang narinig ko.

Masakit pero hindi ko kasi ugali ang magconclude agad, pero alam kong kilala nya ako bilang selosa sa kanya kahit dati pa.

Pagpasok nya, nagsusuklay na ako ng buhok ko.

"kanina ka pa tapos?" nakangiti nyang sabi, napataas lang ang kilay ko bilang sagot sa kanya. Umirap ako para ipakitang naiinis ako o nagseselos ako.

Tumayo sya at nameywang sa harapan kong nakangiti.

"selosa mode na naman?" sabi nya sabay iling at ngiti sa akin.

Napataas ang isang kilay ko at umirap ako. "ako ba ang kausap mo?" sabi ko na mas lalo nyang kinatawa.

Pumasok sya sa banyo na umiiling at nakangiti.

Suot ang off shoulder kong dress na kulay itim na may print ng dried roses. Plano kong kumain sa restaurant ngayon.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon