Part 40

1.3K 56 10
                                    

NINA POV

Mahigit tatlong linggo akong nabusy sa opening ng cafe, nawalan talaga ako ng oras kay Noah kaya si Gab ang lagi nyang kasama. Maagang umuuwi si Gab na may dalang pasalubong lagi, dadaanan nya si Noah bago sya papasok sa trabaho.

Hindi na ako nakikialam sa kung ano man ang ginagawa nya para kay Noah, dapat lang bumawi sya kasi halos tatlong taon rin syang nagpakasingle dito.

Naisip kong isama sya ngayon sa mall para ibili ng mga damit nya at laruan para maibsan ang guilt ko.

Napasapo ako ng noo ko nang hindi ko mahagilap ang wallet ko, may pera ako pero sapat lang para ipambayad sa nakuha kong mga damit nya. Hindi ko na sya maibibili ng laruan muna ngayon.

Habang tinatahak namin ang daan papuntang elevator, hinila ako ni Noah papunta sa mga laruan. Tinuro nya ang malalaking laruan ng Avengers. Masaya sya habang inaantay akong makalapit sa kanya.

Umiling ako. "Noah wala na akong pera, lets go home" hinawakan ko ang kamay nya.

Mahigpit ang kapit nya sa laruan at umiiling sya. "i want this mommy" ngumuso sya.

Tumango ako at yumuko ng kaunti. "next time anak, i have no money na"

Naiiyak na sya. Hindi naman spoiled si Noah, kaso bihira lang rin sya magkagusto sa mga laruan dahil bihira ko lang rin sya nailalabas noon sa amerika.

Umiling ako at yumuko ulit para lumibel ang mga mata naming dalawa. "we dont have money anak, well go back here ang buy that tomorrow, please?"

Umiling sya habang kagat ang labi nya.

"Noah!" mahina kong saway. "please?"

Umiling sya ulit. Tumulo ang mga luha nya.

Ngumiti ang sales lady, siguro alam nyang hindi talaga ako bibili. Tumalikod sya at umalis. Nakakahiya.

"Noah!" hinawakan ko ang kamay nya para maalis sa laruan.

Bumitaw sya pero ang mga luha nya hindi parin tumigil. Buti nalang hindi war freak si Noah na magwawala kong hindi mabili ang laruang gusto nya.

Ngumiti ako at pinunasan ang mga luha nya. Tahimik syang umiyak sa tabi ko at nasa laruan parin ang mga mata nya.

"ang cute naman, ang bait naman ng baby boy" sabi ng sale's lady. Inabot ko pabalik sa kanya ang hinilang laruan ni Noah.

"thank you" nahihiya kong sabi. This is very frustrating, mura lang naman yun, kaya ko sana pero wala na talaga akong pera ngayon sa bag ko.

Palabas na kami nang masalubong namin si Gab na may kasamang babae at isang lalaki. Napahinto sya at napatingin sa gilid ko. Nakayuko si Noah at patuloy parin ang iyak habang nakakapit sa damit ko.

Kinausap nya nag mga kasama nya bago sya lumapit sya sa amin at yumuko para kay Noah. "what's wrong?" inangat nya ang mukha ni Noah. Umiling ito at nagtago sa likuran ko.

Napatingin sya sa akin. "uuwi na kami" sabi ko. Hinawakan ko si Noah.

Tumango sya. Sinilip nya ulit si Noah at nginitian. "you want something?"

Kagat labi syang tinanguan ni Noah at ininguso ang direksyon kung nasaan ang Avengers toys na gusto nya.

Ngumiti si Gab, "come here"

"Gab, ayokong masanay sya" pigil ko.

Tumango si Gab sa akin, "ayoko ring maging madamot tayo sa kanya Pie, please?" ngumiti sya.

Umiling ako.

"laruan lang pie, hindi ka ba naaawa?" malambing nyang sabi.

Bumitaw ako sa kamay ni Noah. Binuhat sya ni Gab at pinuntahan nila ang kinaroroonan ng laruan. Nakasunod ako na parang yaya sa likuran nilang dalawa.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon