Part 31

1.1K 55 10
                                    

NINA POV

Buong umaga akong tuliro. Pinapaupdate ko si Rio ng tungkol kay Gab, kung ano ang sched nya at kung may bisita ba sya.

Puro wala ang sagot nya.

Nanatili ako sa boutique at nagpahinga, pero sa sobrang antok ko naisipan kong umuwi malang muna para makabawi ako ng tulog at pahinga.

Nasa elevator na ako at pasara na ito nag biglang nahagip ng mga mata ko Si Karen na papasok ng building at may kausap sa phone nya.

Naglalaro sa isipan ko na baka nasa unit si Gab.

Nagmadali ako papunta sa unit at binuksan ito. Walang tao. Dumiretso ako sa kwarto para magbihis ng pambahay.

Siguro may kakilala sya dito, hindi naman siguro ganun ka sama si Gab para dito sila sa unit maglampungan.

Nakatulog ako ng maayos at nakapagpahinga.

Alas sais nang magising ako. Nakasara parin ang lahat ng ilaw at wala pang Gab sa paligid.

Nakakapanibago, parang isag iglap lang nagbago ang routine nya sa buhay

Ilang besis akong tumawag pero hindi nya sinasagot.

Sinubukan ko si Rio tawagan, baka may meeting sila.

"may meeting ba si Gab?" nahihiya kong tanong.

(hindi ko sure kung may meeting sa labas or wala. Maaga sya umalis like three something ata yun)

Napahawak ako sa noo ko at napatingala sa orasan. Pasado alas syete na wala parin sya.

(magpapasundo ka ba sana?) si Rio.

"tatawagan ko nalang si kuya driver" palusot ko.

(okay, tawag kalang kung need mo ako)

"sure Ri. Love you and thank you" binaba ko ang tawag ko.

Naghanda ako para sa pagdating nya naligo ako at nagpalit ng damit.

Alas otso na wala parin sya. Napilitan akong magpadeliver ng pagkain namin.

Halos isang din akong nag-antay bago dumating.

Inabot ko ang card ni Gab para bayaran ito.

"mam same name po kasi" pinakita nya ang isang paper bag. "Gab Saavedra po"

Napatago ako. Sinilip ko ang order, steak. "sure kang dito na unit to?"

Sinilip ko ang resibo. Unit 417.

Napatingin sya sa pintuan "ay sorry mam, hindi po pala maam" sabi nya.

Napangiti ako. "ah, baka yung kapangalan ko yan, Gabriel" palusot ko.

Tumango sya. "sorry po mam"

"okay lang, sanay na ako" sanay na akong maluko ng lalaking yan kuya. Namumuro na nga eh. Mahuli ko lang sa akto masasampal ko talaga yan ng wala sa oras.

Pagkaperma ko, naisip ko tuloy syang iremind, "kuya huwag mong sabihin sa may ari nyan nagkamali ka ng room, magagalit yun sayo tulad ng ibang delivery boy"

Napakunot ang noo nya at tumango sya.

Napangiti ako sa gulat nyang mukha. "ilang besis hindi nya kinuha ang order at pinabalik"

Tumango sya. "naku! okay po mam. Salamat po sa paalala"

Ngumiti ako at sinara ang pintuan. Naamoy ko ang steak kanina. Dalawang pack yun, humanda ka Gab kung maamoy ko sayo yon mamaya.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon