Part 36

1.4K 72 25
                                    

NINA POV

Walang nasayang sa loob unang dalawang linggo ko dito sa Amerika.

Tinulungan ako ng Tito Samuel ko para mailipat sa pangalan ko lahat ng property ni Mommy. Aabutin ng ilang months pero nabuhayan ako nang makompleto namin ang lahat ng kailangan ko.

Kasali sa makukuha ko at nailipat sa akin ang perang nasa China Bank. Si Tito Samuel na syang naging financial adviser ni Mommy noon.

Bumili ako ng isang maliit na bahay, kung saan tama lang ang laki at kasya kami ng magiging anak ko.

Dalawang kwarto, open concept ang disenyo at malapit sa lahat.

Bumili ako ng mga kakailanganin namin ng anak ko. Plano ko tatlong taon lang akong mananatili dito. Kailangan kong makabalik sa Pilipinas para sa boutique. Mahihirapan ako kung dito kami titira, malaki at mahal ang living expenses at hindi ako sanay kahit ilang araw na ako dito.

Kumaway ako sa dalawa habang nakangiti silang kumakain. Sunday ngayon at tanghali sa Pilipinas habang dito mag-uumaga palang.

"dalawang linggo ka palang dyan pero  ang blooming mo na, ang ganda ng kutis mo friend" si Tonya.

"huwag mong kalimutan yung mga pinasa kong picture ha, abangan mo yung grand sale para makamura ako" si Rio.

Tumango ako. Tinutukoy nya ang mga apple products.

"kelan ang due mo?" si Tonya.

"Second week ng august" tumayo ako at pumunta ng kusina para magtimpla ng tea.

"august? Magiging kabirthday nya ba ang daddy nya?" si Tonya.

Umiling ako. "Sisikapin kong hindi para maiba naman"

"ipareho mo na, lubusin mo na tutal semilya nya naman yan" napangiti si Rio.

Napatawa ako.

"one month to go Nin, magiging mommy kana for real" napanguso si Tonya.

"oo nga eh, magiging ninang narin kayo" umupo ako dahil mabigat na ang tiyan ko. "ang mga regalo nyo ha, sigaraduhin nyong espesyal"

Napatawa silang dalawa at napatango. If i know, walang oras mag effort mga to.

Sa huling check up ko, naging pursigido akong manganak thru cesarean section. Baka hindi ko kayanin ang normal delivery dahil sa laki ng anak ko. Lately lagi akong pagod at walang tamang tulog dahil sa paninibago sa klima. Mainit ngayon dahil approaching na ang summer dito.

Ikinuha ako ni Ashley ng makakatulong sa akin, isang health assistant/personal assistant. Half pinoy at dating nagtatrabaho sa kanila.

Araw-araw sinasamahan nya ako maglakad at umikot sa park para ehersiayo ko. Magluto ng pagkain at maglinis ng bahay.

Hindi madali ang lahat para sa akin kahit may kasama na ako, kailangan ko paring magsikap para hindi maubos agad ang nakuha kong pera sa time deposit na unang nakuha ko at ilang kita sa naiwang negosyo ni Mom kina tita at tito.

Hindi ako sakim, kahit malaki ang pera ni Mom sa kanilang mag-asawa mas nanaig parin sa akin ang isang dugong nanalaytay sa amin.

Nakatanggap na ako ng sulat mula sa Main office ng China Bank. May dalawang tao ang tumatrabaho para mailabas ang pera. Nalaman kong tao ni Alvarez si Karen. Sya ang tumatarabaho ng lahat mula sa Asian Bank at ngayon itong China Bank.

Pumunta ako ng office nila, may mga masusi silang requirement na hindi ko kailanman naisip na ganito kalala ang kailangan kong pagdaanan masigurado lang na ako ang anak ni Helena Quin.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon