Part 34

1.2K 67 38
                                    

NINA POV

RIO:
Nand2 si ate girl... Pumasok sa opisina ni Gab. Nakadalawang balik na yun.

AKO:
okay lang, baka namiss nya agad si Gab. D lumabas kagabi si Gab. Nakaunan ako sa braso niya eh.

RIO:
😂😂😂

Inayos ko ang mga bagong dating na mga stocks. Mula nong gabing nagpakita ako kakaiba kay Gab, nasundan pa yun sa loob ng dalawang gabi. Every night iba iba ang pinapakita ko para manibago sya.

Last night, nakipagkulitan ako sa mga cheesy lines. Natatawa sya sa mga banat ko na sobrang inaral ko pa ang mga yun buong araw kahapon.

Napansin ko ring maaga na sya umuuwi at sinusundo ako tuwing hapon.

Pero hindi ako magpapauto. Nabuo na nag plano ko. Matutuloy ang alis ko. Ayaw ko nang magpakatanga.

Plano ko ngayong gawan ng romantic dinner si Gab. Magluluto ako ng pasta at steak.

Nakangiti ako habang iniisip ang mga plano kong gawin mamayang gabi. Plan kong gawing romantic ito dahil monthsary namin.

At least man lang may alaala akong nagawa sa araw na ito.

Pagdating sa bahay, mabilis kong pinaandar ang TV para panoorin paano iluto ang bake spag, imarinate ang at ihanda ang beef steak. Paborito ni Gab ang mga ito.

Nilista ko ng maayos at tinandaan.

Binabad ko sa binili kong coke, Oysters sauce, barbecue sauce, bawang, kunting asin at paminta ang apat na hiwa ng rib part.

Nilagay ko sa loob ng ref para mas maging malasa.

Napatingin ako sa relos, alas dos palang. Ala sais pa ang uwi nya, may apat na oras pa ako para maghanda.

Kinalimutan ko muna ang galit ko sa kanya ngayong araw. Gusto kong gawin tong perfect na maaalala nya habang buhay. Alam ni Gab na hindi ako marunong magluto kaya espesyal tong gagawin ko.

Tumunog ang doorbell. Pagbukas ko ng pintuan si Karen ang nasa harapan ko.

Tinulak nya ang pintuan para makapasok na kinagulat ko. "excuse me?"

Imbes na lingunin ako, dumiretso sya at nilapag ang bag nya sa coffee table.

Inikot nya ang mga mata nya sa paligid bago nya ako nilingon. "i miss this unit so much" napangiti sya.

Napataas ang isang daku ng kilay ko. Halata sa mukha nya ang inis at galit.

"what are you doing here?" diretso kong sabi.

Napangiti sya at napailing. "ikaw ang dapat kong tanungin nyan Nina, what are you doing here?" napahalukipkip sya ng braso at at tinitigan ako na para bang naghahamon.

Napangiti ako. "alam mo Karen, kung naghahanap ka ng away ngayon hindi kita papatulan" napahawak ako sa ulbo ng tiyan ko. "i will not go down to your level"

Napahalakhak sya at napailing. "oh my god Nina. Seriously? Akala mo talaga nasa taas ka dahil nasa tabi ka ni Gab?" napailing sya. "pity on you"

Napapikit ako. "kung may issue ka kay Gab. Sya ang kausapin mo, wala akong oras para sayo"

"yeah! Actually nagkausap na kami" tumango sya. "nagtataka nga ako bakit hanggang ngayon magkasama parin kayo at umaasta ka paring asawa nya?"

"dahil kasal kami Karen, legal akong asawa ni Gab" napangiti ako at napahawak sa sandalan ng upuan.

"kasal? Legal?“ napatawa sya. "talaga? Sinuri mo na ba sa Marriage certificate nyo kung legal yun?" umiling sya, "mali, naparehistro ba ni Gab or baka hindi pa?"

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon