Part 32

1K 49 16
                                    

NINA POV

"sigurado kana ba?" si Tonya.

Tumango ako.

Dalawang araw wala si Gab dahil sa conference niya, kasama nya si Carl na umalis.

Sinamantala ko ang paglilipat ng ilang mga damit ko at ilang importanteng gamit sa apartment habang wala siya. Dapat hindi nya mahalata ang lahat para hindi sya maghinala.

PIE:
musta, anong gawa ng asawa ko ngayon?

Kumuha ako ng picture nina Tonya at Rio dito at ng dalawang maleta at pinadala sa kanya.

Ako:
Pinalipat ko ang lumabg maleta ni Mommy sa boutique para magamit kesa nakatingga lang.

Ako:
Don ako matutulog sa apartment tonight. Anongboras ang uwi mo bukas?

PIE:
Baka gabi pa.

"anong oras ang flight nila pauwi?" tanong ko kay Rio.

"Alas tres" napatitig sya sa akin.

Tumango ako.

PIE:
Okay pie, tc

Ako:
I love you

Napatitig ako sa tinipa kong reply bago ko sinend.

Hindi sya nagreply.

"Ito lang ba ang dadalhin namin?" si Tonya.

Tumango ako. Nasa loob na ng mga yun ang mga importanteng kong dokumentong kakailanganin. Nauna silang umalis.

Hindi ako matutulog sa apartment, plano kong matulog dito condo para
Makapag-isip ng maayos kung ano ang gagawin ko.

Naisipan kong tawagan sya, gusto kong tingnan kong okay pa ba kami. Kalahati ng puso ko ang gustong magpakamartyr habang ang kalahati naguguluhan.

Ilang besis akong tumatawag pero hindi nya sinasagot.

Sa huling subok ko, sinagot na ito.

(hello) hinihingal na boses ng babae.

(who's that babe?) boses nya.

Napahawak ako sa labi ko habang pinipigilan ang bawat paghinga ko.

(nothing) boses ng babae.

(ahh ahh!) ungol ng babae.

Pati boses ni Gab naririnig ko narin.

Halatang sinasadya nyang iparinig sa akin ang lahat.

(faster babe, ahh ahh)

(uhh ahh) boses ni Gab.

Binaba ko ang tawag ko at napapikit. Sa sobrang sakit, literal na sakit na nararamdaman ko sa puso ko halos hindi na ako makahinga.

Napamasahe ako sa dibdib ko ng wala sa oras. Parang pakiramdam ko sinasakal ako, sinasaksak ang puso ko at pinipiga ang mga ugat ko.

Nag-unahang tumulo ang mga luha ko  at di ko mahabol ang bilis nila.

Mabilis humapdi ang balat ko sa sobrang alat ng mga luha ko.

Iniyak ko lahat. Lahat-lahat para walang maiwan. Ano pa ba ang kailangan kong patunayan para sabihing niluluko na ako ni Gab. Para malaman na hindi nya talaga ako minahal.

Buong gabi, nakatunganga lang ako at parang tangang nakaabang sa kawalan.

Tumayo ako at sinikap aluin ang sarili ko. Hindi ako pwedeng mamatay ng walang ginagawa para ipaglaban ang sarili ko.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon