WAKAS

2.9K 77 21
                                    

NINA POV

   GABRIEL SAAVEDRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   GABRIEL SAAVEDRA

   GABRIEL SAAVEDRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NINA QUIN

....................................................................

Sinundo kami ni Gab sa condo ng alas dyez ng umaga, ang sabi nya kakain kami sa labas at mamimili ng groceries.

Antok akong umakyat at umupo sa front seat nang pumarada ang kotse nya.

Maliban kasi sa naglilihi na ako, madalas rin pagkakaroon ko ng morning sickness, ibang iba nong si Noah ang pinagbubuntis ko.

Hinalikan ako ni Gab sa pisngi ko bago nya sinuot ang seat belt ko. "ate Wendy, pakisure po kung nakalock po ang seatbelt ng makulit mong alaga"

"opo sir, sure na po ito" sagot nya.

Halos twenty minutes din kaming bumyahe mula sa condo papunta sa isang exclusive village. Napangiti ako nang maalala na ang sinabi nina Carlo at Bing. Siguro gusto nya kaing isurpresa.

Huminto sya sa isang bagong gawang bahay, creamy white ang wall at chocolate brown ang atip at mga linya. Malalaki ang bintana at maganda ang disenyo ng bahay.

Halatang pinagplanuhan, pinag-isipan at ginastusan ni Gab ito.

Nakangiti sya habang inaantay na mabuksan ang gate. May lalaking nagbukas ng gate.

Pagpasok namin napangiti ako nang makita ang magandang disenyo ng pintuan. Malaki at mataas.

Pagbukas nito magandang disenyo marble tiles ang sumalubong sa amin. Napatakip ako ng mga labi habang pinagmamasdan ang lapad at laki ng salas na may purong makintab na marble ang sahig.

Ang gara ng chandelier, ng hagdan, ng sofa at ng mga kagamitan. Pakiramdam ko ginastusan talaga ni Gab ang pagkuha ng designer at pagpili ng mga gamit.

Napakapit ako sa braso ni Gab, "sure ka bang atin to?" ngumuso ako.

"para sayo to pie, matagal ko nang nabili ang lupa pero yung disenyo ng bahay hindi ko mahuli huli kung ano pa ang maganda sa dami ng magandang ideya sa isipan ko" bulong nya.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon