Part 10

1.5K 43 2
                                    

NINA POV

Isang linggo ang lumipas. Masyado kaming naging cool ni Gab. Hinahatid nya ako every night pauwi galing sa boutique at sa bahay sya kumakain lagi.

Simula nang bumalik sya akin, parang naging mas magaan ang buhay ko. May katextmate na ako, call mate at sobrang gwapong boyfriend na mas lalong nagpapakulay ng buhay ko.

Kinikilig ako lagi lalo na sa tuwing sinusundo nya ako. Pakiramdam ko dream come true ang ang sitwasyon namin ngayon.

SWEETY PIE Calling.....

"Pie!" malambing kong bati pagkasagot ko.

[hi Pie, may papupuntahin ako dyan sa boutique mo. Please help her with her needs. Hindi ko kasi alam paano sya tulungan] nangunot ang noo ko. Sinong sya? Her?

"sino?" tinigil ko ang ginagawa kong pagbibihis sa mga mannequins ko ng mga bagong damit. Tunog maldita man ang boses ko pero so?

Natawa sya sa kabilang linya na mas lalong kinainis ko.

"sino nga sabi!" - ako.

[si bing-bing yung kapatid ko] napanguso ako.

[hello?]

"oh!" napatameme ako.

Natawa sya, [pwede ba?]

"sure ka? Baka hindi nya ako magustuhan?" napakagat ako ng labi ko.

[gusto ka nyang makilala pie] malambing ang boses nya. [matagal nya nang alam my girlfriend ako at gusto ka nyang mameet kaso mahiyain yun pie] sabi nya mas lalong nagpakaba sa akin.

[Pie, okay lang ba?] may tunog paglalambing ang boses nya.

"sure" nag-aalinlangan kong sabi.

[please be kind to her Pie, nahihiya yun sayo alam mo ba? Sa tuwing pinapakita ko ng picture mo hindi naniniwala sa akin] - siya.

"oo na nga sabi" nakanguso ako, kung kinakabahan sya mas kinakabahan ako.

[i gave her my card, ikaw na ang bahala sa kanya Pie] sabi nya.

"okay" tipid kong sagot.

[mahiyain yun kaya please be a little patient sa kanya Pie, mana yun sa akin] sabi nya na kinangiti ko.

"hindi ka mahiyain pie, creepy ka kaya" napairap ako.

Natawa sya.

"okay na po, ako na po ang bahala sa kanya sir Gab" sabi kong nakangiti.

Napatawa sya lalo. [i love you pie!] sabi nya.

Namula ang pisngi ko at nagliparan na naman ang mga tutubi sa tiyan ko hindi ko alam pero ganito ka tindi ang epekto nya sa akin.

Binaba ko ang tawag at napapikit ako sandali. Hindi ko parin talaga kayang labanan ang kilig sa tuwing naglalambing sya.

"uy si Mam Nina, kinikilig na naman yan" tukso ni Jasmine na isa sa mga tauhan ko dito sa boutique. Sya ang incharge magpalit ng outfit ng mga mannequins every week at mag-assist sa mga namimili.

Napanguso ako at napailing, tinext ko agad si Tonya para tulungan akong pagandahin ang kapatid nya, magaling kasi si Tonya pagdating sa make-up, hilig nya kasi yun. Marami narin syang toturial na nagaya.

"pumapag-ibig na nga eh, laging blooming!" si Flor.

"tigilan nya ako!" umirap ako sa kanila at pinagpares na ang mga ipapasuot sa mannequins.

"naku Maam, siguro dyan mo nadali si Sir noh? Kahit maldita kasi maganda parin oh!" si Cherry.

"sinabi mo pa" si Jasmine.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon