Part 29

1.2K 43 3
                                    

NINA POV

Dumating ako sa apartment na may dalang special barbecue. Ibat-ibang uri parte ang dala ko.

Pumalakpak sa ere si Rio nang makita ako. "akala ko hindi ka makakapunta"

"ano ka ba" umirap ako. "minsan na nga lang to palalampasin ko pa ba?"

"simula na tayo kasi namimiss ko na to" si Tonya. Nilapag nya ang pineapple juice para sa akin, beer naman para sa kanila.

Napangiti at napaupo ng maayos.

"hoy buntis hanggang lima ka lang huwag kang magpasobra ha" saway ni Rio.

Tumango ako. "alam ko" kinuha ko ang unang stick ko, chicken skin. Sarap na sarap ako sa unang kagat ko. Ang tagal na rin kasi nong huling bonding namin na may ganitong kainan.

"anong plano ni Gab? Hindi kayo bibili ng bahay?" si Tonya.

Umiling ako. "nahihiya akong magtanong friend, pero so far okay pa naman ang condo para sa amin, malaki naman yun"

Umirap si Rio. "dapat may future plan na kayo gaga, hindi pwedeng magsisikan kayo sa condo noh? Paano kung may bibisita sa inyo? San matutulog? Sa sofa?"

Napangiti ako. "Ri, may plano ka bang makitulog sa amin?"

Napatawa silang dalawa. "wala no!"

"eh bakit ka comment ng comment dyan?" umirap ako.

"So paano ka, i mean kung kabuwanan mo na anong mangyayari sayo?" si Tonya. "alangan naman aabsent si Gab para lang tulungan ka at bantayan"

"ayaw nga naming kumuha ng katulong, ayaw ni Gab na may ibang tao sa loob ng condo" kumuha ako ng pangalawang parte ko.

"so you mean isosolo mong gawin lahat? Good luck sayo" si Rio.

Umiling ako. Sa amin muna makikitira ang kapatid ni Gab for 1 month lang, yung pinsan nyang isa ang susunod for another month hanggang kaya ko na"

"malaki ang sweldo ni Gab bakit d ka na lang nya kunan ng yaya, kainis naman" si Tonya.

Napatitig si Rio sa akin. "maiba ako, wala bang ibang babae si Gab?" napatingin sya sa akin.

Napatawa ako at umiling. "masaya na kaming dalawa, maaga umuuwi si Gab at nasa laptop ang buong atensyon nya lagi"

"sigaraduhin mo lang, nong umalis sya noon tinalian ka nya, bigla syang bumalik tapos bigla karing tinaniman" matama akong tinitigan ni Rio, "dont tell me, may kasunod pa?"

"what do you mean Ri?" si Tonya.

Nagkibit balikat si Rio, "gusto ko lang manigurado na hindi ka diyado Nin"

Binaba ko ang stick ng chicken skin at hinarap sya. "diretsuhin mo nga ako Ri?"

Umiling sya.

"oo nga parang may laman ang sinasabi mo" ngumuso si Tonya.

Napailing sya. "hindi naman, im just worried" binaba nya ang hawak nyang stick at hinarap ako. "lately kasi may bumibisita lagi sa office ni Gab" napahugot sya ng malalim na hininga nya. "minsan sina Lester at Carl ang humaharap.

"baka isa kanila ang may ari non" si Tonya.

Uming ako. "nurse sa abroad ang girlfriend ni Carl, high school sweetheart naman ang kay Lester"

"baka yun" napangiti si Tonya. "baka extra nila yun"

Umiling sya. "si Gab lagi ang gustong makita"

Napapikit ako. "kelan pa?" napatitig ako sa kanya.

"since last month, pero hindi lagi ang punta nya" napailing sya. "i just want to be honest with you Nin, ayoko namang magmula pa sa ibang tao ang lahat ng issue"

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon