Last Part (1)

1.9K 68 10
                                    

NINA POV

Hawak ni Gab ang kamay ko papasok ng unit nya.

Malinis na ulit ito at halatang maraming pagkaing dala sina Nanay at Tatay.

"bilis ah!" si Carl

"ay may tupak ka nga talaga Nin!" natatawang sabi ni Lester.

Mabilis syang sinaway ni Nanay at sinalubong ako ng yakap.

Lumapit ako kay Tatay at nagmano sa kanya. "tay" ngumiti ito at hinaplos ang ulo ko.

"ate!" nagulat ako sa sigaw ni Bing mula sa kwarto bitbit si Noah.

Pinasa nya kay Nanay si Noah at niyakap ako ng mahigpit. "i miss you so much"

"i miss you too Bing"

"tama na yan, hindi pa nakakain ang ate mo" si Nanay.

Pinaupo nya ako sa harapan ng dalawa habang nasa tabi ko si Gab.

Inabot nya ang plato sa akin at napatitig ako sa mga nasa mesa.

"ito Nin masarap" tinuro ni Carl ang isang ulam.

Tumango ako at kumuha ng maliit sa tinurong ulam ni Carl. Apat na ulam ang dala nila, tinikman ko lahat.

"mommy" lumapit si Noah at inabot sa akin ang hawak nyang laruan. "play?"

Tumango ako at hinaplos ang ulo nya. Napanguso ako ngayon pa sila bumisita kung sana may bukol at galos si Noah.

"say thank you anak" bulong ko.

"thank you" winagayway ni Noah kay Tatay ang laruan nuang ibon na kapag tinutulak gumagalaw ang pakpak.

Napatawa si tatay sa saya lalo na nang nilapitan pa sya ni Noah at binalik ang laruan sa kanya.

Naparami ang kain ko dahil sa ginagawang paglalagay ni Gab ng ulam sa plato ko.

Napatingin ako sa wall nya. Napangiti ako nang makita ang mga larawan namin ni Noah sa Amerika.

Napatingin ako sa kinaroroonan nina Bing at nanay na natutuwa sa kalikutan ni Noah.

"tama na Gab" reklamo ko nang dagdagan nya ulit ang kanin ko"

Hindi nya ako pinansin, nilagyan nya ang plato ko ng relyenong bangus.

Napangiti si Lester at Carl sa ginagawa ni Gab.

"nay malapit na ang birthday ng mga panganay mo" si Lester, "makikikain ako ha"

"ay oo nga pala, sa susunod na buwan na" si Nanay. "okay lang ba Nina sa atin na tayo maghanda?"

Tumango ako. "opo nay, wala naman akong bisita dito nay, yung dalawang kaibigan ko lang naman"

"excited na ako Noah, marami kang magiging kalaro don" si Bing.

Hindi nasunod ang oras ng tulog ni Noah ngayon. Kung dati alas nueve tulog na kaming dalawa, ngayon alas onse na nakikipaglaro parin sya kay Bing.

"bukas naman, kiss goodnight na sa kanila anak" utos ko. Nilapitan sila ni Noah at bibong hinalikan. Bitbit ko sya nang magpaalam ako kina nanay at tatay. Sa kwarto sila ni Gab matutulog dahil walang aircon ang kabilang kwarto.

"san ka matutulog?" tanong ko sa kanya.

"sa sofa na" ani nya.

Hinatid nya kami hanggang kwarto ni Noah. Pinaliguan ko si Noah at binihisan. Mabilis itong nakatulog dahil narin siguro sa pagod.

Niyakap ako ni Gab, "matulog kana rin, bukas maaga kaming aalis paoauntang hospital para sa general check up nina nanay at tatay. Baka hindi na ako makadaan dito"

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon