Part 43

1.6K 65 41
                                    

NINA POV

Mabilis kong pinuntahan ang kinaroroonan ni Noah. Tinext sa akin ni Gab kung saan.

Napakagat ako ng labi ko nang makita syang nakaupo at may mga galos ang mukha at bukol. Marumi narin ang suot nyang damit.

Nasa harapan nya si Gab at hawak nito ang kamay ni Noah habang nilalagyan ng gamot ng medical incharge ng mall.

"mommy" si Noah. "sorry mommy" nakanguso ito sa akin.

Umiling ako at ngumiti sa kanya.

Nilapitan ko siya. Galit ang mukha ni Gab, hindi nya ako kayang titigan.

"san mo sya nakita?" hinaplos ko ang mukha ni Noah sa tabi nya.

Hindi sumasagot si Gab sa tanong ko.

"pwede na po to sir" sabi ng Nurse. "pakifill up nalang po nito para sa referral" inabot ng nurse ang papel.

Tumango si Gab nang mapatingin ang nurse sa akin nang kunin ko ang papel. "she's my wife" ani nya na kinangiti ng nurse.

"good afternoon mam" nakangiti nyang bati.

Tipid akong ngumiti.

Mabilis kong sinagutan ito. Isang referral para makapag-undergo ng x-rays para sa braso at balikat ni Noah.

Binuhat ni Gab si Noah. Nauna silang lumabas at nakasunod ako.

"Gab don ako nakapark" tinuro ko ang kabilang entrance ng mall.

Nilingon nya ako, "huwag mo nang dagdagan ang init ng ulo ko Nina"

Napakunot ang noo ko sa kanya. Imbes na sumagot napatiklop ako nang makita ang namamagang mata ni Noah sa kakaiyak.

Pinasok nya sa second seat si Noah at pinaupo sa car seat nito. Pumasok ako para tumabi kay Noah.

Tahimik kami sa buong byahe hanggang makarating sa ospital. Hindi umabot ng isang oras ang paghihintay namin para makaundergo si Noah sa x-ray. Umalingawngaw ang iyak nya sa gulat nang umilaw na.

Napatitig si Gab sa akin, sa titig nya halatang may banta ito. Pumasok sya para kunin si Noah. Nilalambing nya ito para mapatahimik si Noah.

Lumabas si Gab para bumili ng pagkain para kay Noah habang naiwan kaming dalawa.

Halos trenta minutos kaming nakaupo sa isang bench bago nakuha ng result. Wala namang fracture na nangyari, galos lang at bukol buti kung ganun kasi hindi ko mapapatawag ang sarili ko kung sakaling may nangyaring masama kay Noah.

Pagdating sa bahay. Inutos ni Gab kay ate Wendy na paliguan si Noah at patulugin. Hinila ako ni Gab papunta sa unit nya.

"Gab!"

Galit akong dinuro ni Gab, punong puno sya ng galit habang papalapit sa akin. "pasalamat ka walang nangyaring masama kay Noah ngayon, dahil baka hindi ko rin mapigilan ang sarili kong huwag kang  saktan"

Umiling ako. "anong akala mo Gab, ginusto kong mawala ang anak ko? Anong akala mo sa akin?" sigaw ko sa inis.

"imposibleng mawala si Noah sayo Nina, baka naman nabusy ka sa kalandian mo kaya nawala sa paningin mo ang bata"

Mabilis na lumipad ang palad ko sa mukha nya. "huwag mo akong husgahan Gabriel, hindi ko pinabayaan si Noah kanina. Mabilis ang pangyayari, mabilis syang nawala"

"mabilis?" napakunot ang noo nya. Halatang sasabog na sya sa galit. "gaano ka bilis para hindi mo makitang nasasaktan na sya Nina. Umiiyak si Noah sa tabi ng guard ng makita ko" nanlilisik na mga mata nya. "tell me Nina!" sigaw nya. Halos mapatalon ako sa gulat. Nakakatakot na ang galit nya.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon