Part 45

1.4K 59 22
                                    

GAB POV

Uminat ako ng ilang besis nang matapos nag oras ng trabaho ko.

Tinupi ko ang mga gamit ko at binuksan ang binigay na folder ni Georgia kanina.

Mabilis uminit ang ulo ko nang makita ang perma ni Nina, tama at sakto ang hinala ko. Naisahan na naman nila si Nina.

Tumayo ako at sinilip sya. Mahimbing na ang tulog nya. Simula nang mabuntis ito, napapansin ko na humihilik narin ito kung tulog na tulog na.

Inayos ko ang kumot nya at hinalikan sya sa noo.

Nakipagkita ako kay Karen sa isang private restaurant para sa perma. Nakangiti ito at halatang masaya sa presensya ko. Tumayo sya at hahalikan sana ako sa pisngi pero umatras ako at umiling bago umupo

Napangiti sya at hinalikan parin ako sa pisngi habang kinukunan kami ng litratong dalawa bago sya umupo sa harapan ko.

Umiiling ako habang napapaisip kung bakit may mga babaeng hindi lang desperada maging mayaman, desperada rin makahanap ring magkunwari.

Nilabas ko ang papel na may perma ni  Nina.

Napataas ang isang daku ng kilay nya naang makita ito.

"pinapahamak mo ang sarili mo Karen, forgery to. Malaking kaso tong haharapin mo"

"alam ko" ngumiti sya. "pero wala akong pakialam Gab, naumpisahan ko na to, dalawnag account na ang napalabas ko"

Umiling ako. "pwede lang makulong sa ginagawa mong to Karen, nasisiraan ka na ba ng ulo?" napakunot ang noo ko sa tapang ng babaeng to. Hindi man lang natinag o natakot sa mga sinabi ko.

"ikaw lang kasi ang pahirap sa lahat ng trabaho ko Gab. Kung sana nakipagsabwatan ka nalang eh di nagsasaya na sana tayo ngayon" matama nya akong tinitigan.

Umiling ako. "hindi ako kasing sakim  mo Karen, may limitasyon ang kasamaan ko"

"Sa mahigit isang taon nating magkasama sa trabaho at kama hindi mo ba naalala na minsan karing naging sakim Gab, hindi ba't ikaw pa nga ang nagturo sa akin paano maging matigas at tumayo sa sarili kong desisyon?"

Napairap sya habng tinititigan ko sya.

"sige nga Gab, bakit ngayon mo lang binalikan? Sa loob ng pitong taon? Really? Anong habol mo sa kanya? Matres o pera?"

Napangiti ako. "minahal ko na si Nina nong hindi ko pa nakilala si Alvarez, hindi ko pa alam ang totoong buhay nya at kung sino sya Karen, hindi ako maghahabol sa pera ng asawa ko dahil kaya ko syang buhayin, kayang kaya ko syang bigyan ng magandang buhay"

Pumalakpak sya sa ere. "nakakaiyak Gab, nakakainggit" ngumiti sya at nilabas ang isang papel. Isang papel na may perma ni Helena Quin. "paano  mo lalabanan yan Gab, isang will yan.  Stamp nalang ang kailangan ko at magiging milyonarya na ako"

Napangiti ako sa pagsasaya nya. Kitang kita sa mata ni Karen ang palaban nyang ugali.

Tumango ako. "wala akong pakialam kung makukuha nyo ang pera Kar, magiging masaya kami ni Nina kahit simple ang magiging buhay namin"

Mabilis na wala ang ngiti nya.

"kahit hindi nya makuha ang pera, gagawin ko lahat maging masaya lang  ang mag-ina ko. Hinding-hindi ko sya hahayaang matulad sayo" napangiti ako. Matama ko syang tinitigan. "maliban sa swapang at tuso ka, paano ka kaya napapasaya ni Alvarez sa kama? Matanda narin eh noh?"

Mabilis nyang kinuha ang baso ng tubig at tinapon sa akin. "huwag kang magmalinis Gab, nakinabang ka rin sa akin"

Napailing ako at inayos ang damit ko.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon