Part 15

2.1K 53 6
                                    

GAB POV

Sa tuwing iiwas sya sa akin, dinadaan ko nalang sa ngiti at kakulitan sa kanya.

Ako:
Ayan na naman, iiwas ka na naman sa akin kasi blooming ka?

CUTIE PIE:
Hu u?

Yan ang takbo ng usapan namin kapag hindi sya pwedeng makalapit sa akin o nasa kanila sya. Para bang halos lahat ng meron sya kontrolado ng ama nya.

May isang besis na nakita namin sya sa Mall, may kasamang kaedad nya, kaedad ko at isang maladonyang babae na siguro step Mom nya.

Kung titingnan, para syang hindi anak sa labas dahil hindi malayo ang pananamit at galawan nya, ang mga kapatid nya magkamukha, tanging si Nina ang hindi ganun ka singkit ang mata. Pero the way syang titigan ng Mom nya hindi maikakailang may galit ito sa kanya.

Nasa greenwich kami habang sila nasa mamahaling fine restaurant sa harapan namin.

Ako:
Wer ka Pie? Miss u.

Napansin ko ang pagkabalisa nya. Sa ilalim ng mesa nilagay nya ang phone nya sa bulsa nya at tumayo, lumiko sya sa isang banda ng restaurant.

CUTIE PIE:
Nasa dorm lang, masakit ang ulo ko kasi hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Nyt2

Imbes na magalit akoh, naaawa ako sa kanya kasi hindi nya kayang magpakatotoo.

Ako:
Okay, sleep tight! Love you.

Tulad ng inaasahan ko, hindi na sya nagreply pa. Sinundan namin sila, namili sila ng mga damit na mamahalin, branded. Pero kitang-kita sa mukha nya na hindi sya masaya.

Ganun ang nangyayari sa amin sa loob ng sobrang isang taon na magkasama kami. Nagtrabaho ako sa isang kompanya pagkatapos kong makapasa sa Board. Kahit naging busy ako hindi kelan man nabawasan ang oras ko para sa kanya. Mas minahal ko sya hindi dahil naaawa ako sa kanya kundi dahil alam kong ako lang ang meron sya.

Hanggang sa isang araw, naglakas loob akong nakipagkita sa Dad nya. Natakot ako noong una at balot ng kaba, tulad nang nasa mga pelikula pinagbantaan nya ako at pinalalayo kay Nina. Ano naman ang laban ng isang tulad kong kakagraduate lang at kakapasok sa trabaho.

"kilala ko ang may ari ng pinagtatrabahuhan mo. Kung hindi mo lalayuan ang anak ko mapipilitan akong sirain ang pagkatao mo at records mo" banta nya.

"sir, wala naman po kaming ginagawang masama ni Nina. Nirerespeto ko po sya. Mahal ko si Nina at handa akong bigyan sya ng mgandang buhay" paliwanag ko.

"You cant afford!" diretso nyang sabi sabay tawa.

Mali, mas gusto ni Nina ang simpleng buhay kesa sa buhay na marangya.

"i will do everything for her" matapang kong sabi.

Napasingha sya at kitang-kita ko sa mga mata nya ang liit ng tingin nya sa akin.

"everything?" tanong nya.

"yes sir" diretsa kong sagot.

"how?" nakataas ang kilay nya at puno ng paghahamon ang mga mata nya.

Hindi ako sumagot. Pero naglalaro sa isipan ko ang mga salitang 'magsisikap ako!'

"okay, i will deal with you" tumango sya at napangiti.

"i will give you five years to prove me na kaya mong buhayin ang anak ko" may halong sarkastiko ang boses nya. "yan ay kung kaya ka nyang hintayin?" hamon nya. "magawa mo yan, ibibigay ko sayo ang anak ko" sabi nya.

Tumayo ako ng buong tapang at naglahad ng kamay sa kanya, "deal" sabi ko na kinagulat nya. "sisigaraduhin ko pong pagkalipas ng limang taon, mabibigyan ko na sya ng magandang buhay" sabi ko.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon