Part 5

2.1K 58 3
                                    

GAB POV

Ako:
Can we meet tonight?

CUTIE PIE:
Duh! Feeler? Hu u?

Napangiti ako. Hindi parin nagbabago. This is how she replied kahit noon. Ang makakatanggap na hindi sya kilala aakalain mong mayabang at suplada pero later on you will realize may point sya.

Ako:
ako to Pie.

CUTIE PIE:
Edi wow!

Matagal akong napatitig sa reply nya. Bata parin!

Ako:
Later? 10:00 PM. Pool?

CUTIE PIE:
Pag-iisipan ko.

Napangiti ako. Since then ganito na sya. Her snobbish side is my reason why im overly inlove with her and i will do everything to have her back.

Im here in the pool, nauna akong lumabas para imeet si Nina. I told her na sa pool nalang kami magkikita malapit sa club house at cottage namin.

Hindi matao at hindi masyado pinupuntahan ang pool kasi mababaw lang ito.

Nauna akong dumating dahil gusto kong ihanda ang sarili ko. She'll slap me maybe, wont accept me anymore or hated me most.

Nakahalukipkip ang mga braso ko at pinagmamasdan ko ang pag-iba-iba ng kulay ng tubig. Kinakabahan ako, I deserve the slap if ever.

Napalingon ako nang marinig ko ang tunog ng lagapak na paparating.

And she's here!

Diretsa ang lakad nya, halatang galit at wala sa tamang templa.

"okay sabihin mo na nang makabalik na ako agad don, i left Tonya alone there" humalukipkip sya ng mga braso nya. She is damn stunning. Laki ng nabago sa kanya. Mas gumanda at mas nadepina ang hubog ng katawan nya. Ang dating cute at parang bata, ngayon parang isang artista ang ganda.

Napatitig ako sa kanya at tipid na ngumiti.

"ano na?" suplada nyang tanong.

"how are you?" yan ang unang lumabas sa bibig ko.

Nagtaas sya ng isang dako ng kilay nya at umiling. "yan lang pala sasabihin mo pinapunta mo pa ako dito. Tinext mo nalang sana!" umirap sya at umupo sa isa sa mga lounger na nakahelera sa tabi ng pool. Umupo sya at tamad akong tinitigan.
"why dont you just give this oh-so-paasa relationship we had the closure, so that i can move on na at forget about you forever" nagtaas sya ng kilay at nagtaray pero she still manage to look pretty.

Umupo ako sa katabing sun lounger at hinarap sya. Umiling ako at pinagmasdan ang mukha nya. Makinis, maputi at baby face parin. Yung tipo ng mukhang hindi mo pagsasawaang halikan oras-oras dahil sa ganda.

"paano kong ayaw ko?" pang-iinis ko.

"duh? Ang kapal mo ha!" maldita mode now Pie?

Tumawa ako sa inis nyang pagtitig sa akin. "sige kung ayaw mo, ako nalang para matapos narin to!" tumayo sya at nameywang.

Tumayo din ako at tinaasan sya ng kilay. "okay, do it!" hamon ko.

"tsk! Ang yabang mo na ah!" sabi nya. Para parin syang batang pilit na nagmamarunong.

Napangiti ako at tinuro ang sarili ko. "ako?"

"plastic people die hard!" sarkastiko nyang sagot.

"i know!" pang-iinis ko. Sinalikop ko ang mga braso ko at matama syang tinitigan. She look so pissed and annoyed.

"okay Mr. Gabrielle what so ever im brea----"

Siniil ko sya ng halik para hindi nya matapos ang sasabihin nya. Nagulat sya at hindi nakagalaw agad sa ginawa ko.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon