Part 18

810 32 1
                                    

NINA POV

Ganado akong pumasok sa boutique, kadarating lang kasi ng mga stocks ko galing Korea at Indonesia.

"Maam may documents po kayong dumating" sabi ni Jasmine.

Tumango ako at tinungo ang office ko. Pagkaupo ko mabilis kong binuksan agad ang envelope na nasa harapan ko.

Ilang kopya ng bank statement ng iba-ibang banko ang sumalubong sa akin.  Lahat nakapangalan sa mommy ko at sa akin. Nicola Nanella Qui.

Napakunot ang noo ko. Lalo na nang makita ang mga authorization letters na may perma ko at malalaki ang nilalabas na pera sa bawat banko.

May perma ni Dad ang lahat ng nilalabas na pera mula sa account ni Mommy. Napakunot ang noo ko sa laki ng mga kinukuha niya.

Inangat ko ang isang papel at binasa ang details na nakasulat. Pinanganak ako sa states ni mommy at si Edward Chu ang pangalan ng dad ko? Ano to?

Napahawak ako sa bibig ko habang binabasa ang lahat ng laman ng paoel mula sa Amerika. Kahit kelan hindi ko nahawakan ang nso ko, ano to? Sino kaya ang nagpadala nito sa akin?

Sinuri ko ang envelope, walang nakasulat na pangalan kung kanino galing.

Napahugot ako ng malalim na hininga habang binabasa ang pangalan ni Mommy, ang perma nya at perma ng nakasulat na father ko.

Hinablot ko ulit ang papel na nasa ilalim nito. Isang kopya ng accounting record. Kompanya ni dad ang nakasulat at deficit na ang pera ng kompanya nila.

Napakunot ang noo ko. Sa ilang mga records na may deficit amount.

"Jas, sino ang nagpadala nito?" Tawag ko sa isa sa mga tauhan ko.

Napalingon si Cherry habang kaharap ang monitor.

Umiling si Jasmine sa akin at nagkibit balikat. "Nakapatong lang po yan kasama sa mga inabot ni kuya guard kanina maam nin"

Tumango ako at bumalik sa office.

Gusto kong maniwala pero hindi pa talaga ako kombinsado sa mga papel na ito.

Hinablot ko ang phone ko nang umilaw ito at si Tita Sky ang tumatawag. Ang pinsan ni Momm na taga Davao.

[Hello Nina] mas naunahan nya akong magsalita.

"Tita, kamusta po?" Minamasahe ko ang noo ko.

[Nasa airport na ako, gusto kong makausap si Armando Alvarez] amy galit ang boses ni Tita.

Nagulat ako sa sinabi nya. "Tita bakit po?"

[That man stole your money] galit ang boses nya sa kabilang linya. [im with my lawyer, walang hiya ang lalaking yan, yun na ngalang ang iniwan ng Mommy mo for you nanakawin nya pa!]

"Tita may alam po ba kayo tungkol sa pera ni mommy?" Nahihiya kong tanong.

[Fetch me here, I want to talk to you in person] sabi nya at binaba na ang tawag.

Nagmadali akong naghanda para umalis. Binalik ko sa folder ang lahat ng papel at bitbit ko ito palabas ng boutique.

Nagmadali akong magmaneho papuntang airport. Naabutan ko syang nakaupo kasama ang pinsan ko at isang babaeng may edad na sa isang coffee shop sa labas ng airport.

"Tita" hinihingal akong nagmano sa kanya.

"Good your here, kanina pa ako kinakabahan" sabi nya.

"Bakit po?" Tinulungan ko sila sa mga dala nila. Binati ko rin si Ashley na anak nya. Mas matanda sya sa akin ng dalawang taon. "Ate"

"Kasi nagulat si mommy sa tumawag sa kanya, sinabi kasi ng banko na gustong ipull-out ng dad mo ang lahat ng investment ng mommy mo" si Ate Ash.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon