Part 2

2.4K 76 2
                                    

NINA POV

Maaga nga talaga kaming umalis, 7:00 kasi ang flight nina Rio at kami naman 9 pa. Pero para iwas traffic narin nakisabay nalang kami. Nagtaxi kami para mas makatipid.

Ang usapan namin si Rio sa tickets, ako sa room at travel expenses, si Tonya sa food. Yan ang laging pattern namin basta may getaway kaming tatlo.

Pagkatapos naming magcheck-in, dumiretso na kami sa pre-departure area. Puno ng ingay ng mga kasamahan ni Rio ang area. Halatang puro excited silang lahat para sa trip nila.

Naisipan namin ni Tonya na mag-ikot-ikot muna tutal matagal pa naman ang flight namin.

Kumain muna kami sa chowking at nagkwentuhan.

RIO:
Mauna na ako, see u der!

Ako:
Hapi trip! Reserve mo agad kami ng room teh.

RIO:
Okidoki!

Nag-ikot-ikot kami ni Tonya, may ilang mga souvenir shops kaming pinasukan at ilang food stool na hinintuan para lang maaliw habang nag-aantay ng flight namin.

Gabi na kami nakarating sa destination. Badtrip ako buong araw dahil sa delayed na flight at wala pang bus agad na dumating kaya stranded kami ni Tonya sa airport.

Pagdating namin, hindi namin nakita si Rio nasa meeting raw at bawal syang umalis dahil sya ang incharge sa projector.

Buti nalang nareserve nya kami ng magandang cottage.

"ligo muna ako Yang bago tayo kumain, i cant take it na kasi talaga" mabilis akong pumasok sa loob ng banyo at naghalfbath agad, hindi ko na binasa ang buhok ko.

"ikaw na Yang!" naabutan ko syang nanonood ng TV. Pagod din at halatang walang gana. Binuksan ko ang phone ko at binasa ang text ni Rio.

RIO:
Nasa grill house kami, hope to see you here. Miss u girls.

Ako:
OA!

Alam kong matatawa na naman sya sigurado kung matanggap nya ang text ko.

Naliligo si Tonya habang nagbibihis ako. Suot ko ang maikli kong  maong na shorts at black offed shoulder shirt at bikini top sa loob.

Lumabas si Tonya na kumakanta. Napataas ang isang kilay ko habang tinatalian ang mahaba kong buhok at sinuot ang bohemian danglings kong kulay itim.

Hinintay ko na matapos si Tonyang magbihis. Napangiti pa ako nang makita ang suot nya. Jumpsuit na tube. Para syang bata. Bagay din naman sa kanya. Nakakaaliw lang.

Napahawak ako sa pisngi ko nang makita ang blooming kong mukha sa light make up ko.

Pareho kaming pagod pero excited na pumunta sa grill house na sinasabi ni Rio.

"advance happy birthday ulit Yang" nakangiti kong sabi.

"nakakabingi na ang mga greetings mo!" umirap sya.

"im serious!" tawa ko.

"really? Super na touch na ako. Countdown ba yan?" sagot nya.

"medyo!" tawa ko.

Ayaw na ayaw ni Tonya na nireemind sya ng birthday nya. Takot syang tumanda, gusto nya raw forever 25 lang sya. Kahit she's turning 28 na, she still wanna be 25.

Sa di kalayuan dinig na dinig na namin agad ang ingay. Nangangamoy narin ang grilled seafoods.

"yum-yum na to!" sabi nya, kanina pa kasi kami nagugutom.

Pumasok kami sa grilled house, isang mahabang table ang naokyupa nina Rio. May iba pang kumakain pero halatang sina Rio ang main costumer nila.

Umupo kami sa kabilang gilid. Sa ilalim ng kulay dilaw na ilaw, at overview ang dalampasigan. Hindi na namin inagaw pa ang atensyon ni Rio dahil masaya naman itong nakikipag bonding sa mga kasama nya.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon