Last Part (2)

2.5K 67 22
                                    

GAB POV

"sir Gab, naready ko na po yung pinapakuha nyo" si ate Letty.

Sa warehouse ako bumili ng mga gagamitin para sa birthday ni Noah. Give aways, paper bags, candies at party toys, lahat ng nasa listahan ni Nina.

Ito ang unang birthday nya na kasama kami, gusto kong gawing espesyal to para pambawi narin sa dalawang taon na hindi namin sya nakasama.

"salamat ate Letty" ngumiti ako at inabot ang tip ko para sa kanya.

Masaya itong nagpasalamat.

Pagkatapos ng trabaho ko, dinaanan ko sa warehouse ang mga pinabili ni Nina bago ako umuwi.

Babyahe kami ngayong gabi para mas malaki ang oras namin na makasama sila sa probinsya.

Pagdating ko sa unit nila, nakahanda na sila. Mula sa isang maliit na maleta na damit ni Noah, isang maleta para sa amin ni Nina, at ilang mga gamit.

"ung ibang gagmitin Pie, sinong magdadala?" napatitig sya sa akin.

"Carl na ang bahala, bukas ng hapon sila babyahe" sagot ko bago pinatayo ang mga maleta.

Tumango sya. Lately laging antokin at namumutla ang mukha nya. Naghihinala na ako pero ayaw kong pangunahan sya.

Hawak nya si Noah, habang si ate Wendy ang katulong ko sa mga gamit.

Mabagal ang patakbo ko dahil hindi pa naman gaanong madilim. Kumain kami sa labas bago ulit bumyahe.

"mommy" napalingon si Nina sa kanya. Napangiti ito nang gustong lumipat ni Noah sa front seat. Nang-iabot na ni Ate Wendy ito kay Nina, nagsimula na itong magkwento ng kung anu-anong napapanood nya sa TV.

Napapangiti kami kapag masyadong mabilis ang pagsasalita nya at hindi na maintindihan.

Talkative narin na ang panganay namin, minsan diretso, minsan putol putol ang sinasabi.

Alas otso kami dumating. Nakaabang sina Nanay at Tatay sa amin sa gate nang dumating kami kasama nila si Jose na inampon na rin ni Nanay para may kasama sila sa bahay habang pinapaaral ito ng high school.

Lumabas ang ulo ni Noah at kumaway agad sa kanila.

"naynay taytay" sigaw nya.

Natutuwa naman ang dalawnag matanda habang inaantay na makapagpark ako ng maayos.

Kumakaway ito sa kanila at gusto nang lumabas. "daddy stop" sabay taas pa ng kamay nya sa harapan ko.

"anak wait lang po" saway ni Nina. Hinila nya ang kamay ni Noah sa harapan ko.

Hininto ko muna ang kotse, "baba na muna kayo, hindi na yan mapipigilan pie" nakangiti kong sabi habang kaway na ng kaway ito sa mga magulang ko.

Tumatalon talon sa saya si Noah nang makalapit sa kanila. Tinuro nya agad ang mga bulaklak ni Nanay at ang damong inaapakan nya.

Pagkagarahe ko ng kotse sa tabi ng pick up at multicab, tinulungan ako nina Jose at Ate Wendy para maibaba ang mga gamit.

"si Bing nay?" nagmano ako at niyakap sya, kasunod si Tatay na karga si Noah.

"umatend ng birthday ng kasamahan nya sa trabaho" si Nanay.

Niyakap sya ni Nina, at nagmano ito kay Tatay.

"nakakain na ba kayo?" si nanay.

Tumango ako. "kumain po kami kanina bago kami bumyahe"

Pagpasok sa bahay, ako na ang nagdala ng mga gamit namin sa taas, si Ate Wendy sa guest room matutulog, bukas makakasama nya sina Rio at Tonya.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon