Part 1

3.3K 75 2
                                    

NINA POV

(Present)

"Nina huwag kang paasa ha? You have to come!" si Rio. Kaibigan ko.

"oo nga Nina, sayang ang tickets kong di ka pupunta teh!" si Tonya, kaibigan ko rin.

Tatlo kaming nakatira dito sa isang bahay. Right after graduation nong college umalis ako at umuwi sa tita ko sa Davao. Nagpaiwan sila dito para maghanap agad ng trabaho. Si Rio nagtatrabaho sya ngayon sa isang banko bilang teller. Since college yan na talaga ang gusto nya magtrabaho sa banko.

Si Tonya naman nagtatrabaho sa Philhealth. Masaya narin sya dahil nasa gobyerno na.

At ako? Wala lang, tambay! Dakilang tambay sa bahay dahil online ang trabaho ko. Meron akong online business ng mga damit, may boutique din ako. Nawalan ako ng ganang mag-apply sa mga banko dahil sa takot na baka magtagpo ang landas naming dalawa. Grrr! Baka mawalan pa ako ng dangal at bigla ko syang masampal sa harap ng maraming tao.

"oo na, kulit naman eh!" umirap ako.

"charr! Ikaw pa itong may ganang umarte, nilibre na nga kita!" si Rio. Nilapitan nya ako at sinubuan ng ham. "punta ka kasi mabubusy ako, walang kasama si Tonyang. Ito na ang pabirthday natin sa kanya." bulong nya.

Napilitan akong tumango.

Ayaw ko sanang sumama kasi darating ang mga stocks ko galing sa Malaysia at Korea. Masasayang ang araw na hindi sila mailalabas.

"ito ang cc teh, kuha kana agad para hindi ka maclosan ng promo" sabi nya sabay lapag ng card at papel nya sa taas ng mesa.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang makalabas sya ng pintuan.

"Tons, ilang araw ang kukunin ko?" nilingon ko sya habang nagsisipilyo.

"hindi ako sure, parang four days ata tayo don" nakangiti nyang sabi. "excited na ako!" sabi nya.

Umirap ako. "yeah, advance happy birthday Tons!"

Tumawa sya, "yung bikini natin huwag mong kalimutan ha?" kumindat sya at nilagay ang sepilyo nya sa lagayan.

"oo na po!" - ako.

Buong araw kong inayos ang lahat, nag-overtime ako sa pag-ayos ng mga display sa boutique at naglabas narin ako ng mga new pics para sa online.

Gabi na ako natapos sa paghahabol ng posting. Halos lampas alas nueve narin ako nakauwi, naabutan ko ang dalawang masayang nag-uusap sa dining table namin.

"ano na naman yang pinag-uusapan nyo at kung makatingin kayo sa akin ay parang pulutan ako?" nilapag ko ang dala kong chicharon sa gitna nilang dalawa.

"naka kuha kana ng tickets?" si Rio.

"oo" hinubad ko ang coat ko at kinuha ang card nya sa loob ng bag ko. "thanks" inabot ko sa kanya.

"very good!" masaya nyang sabi na kinakunot ng noo ko. Oa talaga!

"so ibig sabihin Ri, parang kami lang ni Nina ang magbobonding don?" si Tonya.

"oo parang ganun na nga, gabi lang tayo magsasama-sama dahil doon rin ang team building ng office namin" sagot nya. "may bagong chief accountant na kami, kanina dumating, pawelcome party narin namin sa kanya tong outing namin" nagtaas sya ng kilay sa akin.

"good for your office, congratulations for you, finally napalitan na ang friendship mong CA" nagtaas din ako ng kilay knowing sobrang naiinis sya sa babaeng yun.

"kaya nga eh!" nakangiti nyang sabi.

"so dahil mauuna ka sa amin, ireserve mo nalang kami ng room don, make it sure na maganda at safe ha?" sabi ko.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon