Part 28

1.2K 45 4
                                    

GAB POV

Lumabas ako ng opisina para kumuha ng tubig, sinilip ko ang business area kung marami parin bang tao.

Kaunti nalang, hindinkatulad kahapon na punong-puno.

Kumukuha ako ng tubig nang lumapit si Lester. "si Karen nasa labas, hinahanap ka"

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. "for?"

Nagkibit balikat lang sya. "kausapin mo, nasa receiving area sya"

Nilapag ko ang baso ko matapos kong gamitin. "tumawag sayo?"

"kahapon pa nakaabang yan sa labas, sabi ko maaga kang umuwi" nagtaas sya ng kilay. "baka may ipapagawa sayo"

Tinuro ko ang sarili ko. Pareho kaming accountant at naging magkatrabaho dati.

Tumango sya. "kausapin mo na, baka may itatanong lang sayo"

Lumabas ako para silipin kung ano ang kailangan nya. Tumayo sya mulan sa kinauupuan nya at nginitian ako.

Bebeso na sana sya nang mapansin ko ang titig ni Rio mula sa teller area nito kaya hinawakan ko ang braso ni Karen at iginaya papasok ng opisina ko.

Sinara ko ang bintana pagkatapos ko syang papasukin sa loob.

"anong kailangan mo?" diretsa kong tanong.

Napangiti sya at nilapitan ako para halikan sa labi. "i miss you Gab" ani nya.

"Karen" saway ko nang umabot na sa leeg ko ang halik nya. "ano ka ba?" inis kong saway. "may asawa na ako"

Napangiti sya. "come on gab, alam ko ang pakay mo sa kanya"

Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. "what do you mean?"

Napangiti sya. "ikaw ang nagtatrabaho ng account ni Alvarez diba? I heard, hindi lang deficit nya nag inaayos mo? Nakakarating kana rin pala sa China Bank?"

"wha do you want Karen?" diretsa kong tanong. Hindi nya pwedeng pakialaman ang pinaghirapan ko. Ilang taon kong siniguradong hindi makukuha ang pera ni Nina.

"i want us back" ngumiti sya. "iwanan mo na si Nina. Nailabas mo na sya sa kamay ni Alvarez babe"

Umiling ako. "mahal ko si Nina, Karen" tinulak ko sya.

"mahal mo? Talaga?" napatawa sya. "hindi yan ang sinabi mo sa akin non, sabi mo babalik ka lang para tulungan at palayain si Nina sa mga Alvarez"

"Karen, stop it" saway ko.

Umiling sya. "what about me Gab?"

"walang tayo!" inis kong sigaw. "alam mo yan Kar, alam mo yan!"

"so ano ako? Parausan mo lang Gab?" napailing sya. Sa loob ng dalawang taon Gab, really?"

Napatitig ako sa kanya." nong una palang alam mong si Nina lang Kar, alam mo yan. Pumayag ka sa gusto ko, hindi kita pinilit at lalo ng hindi kita inalok. Kusa kang lumapit sa akin"

Umiling sya at napatawa. "i know what you're doing, hindi lang si Nina angbhabol mo dito Gab, alam ko ang binabalak mo"

Napakunot ang noo ko. "wala akong masamang ginagawa Karen, sinisiguro ko lang para sa asawa ko"

"sinisiguro o naninigurado ka? Alam nating pareho na pera lag ang habol mo kay Nina" napangiti sya.

"hindi ako katulad mo" napataas ang isang daku ng kilay ko.

Napatawa sya. Sarkastikang tawa.
"katulad ko?" nilapitan nya ako at hinaplos nya ang mga bisig ko. "i knew it Gab, kaya nga nagparaya sandali dahil alam kong para sa ating din naman ang ginagawa mong to"

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon