Part 7

1.9K 49 1
                                    

GAB POV

Natulog sya ulit habang ginagawa ko ang trabaho ko. Paminsan-minsan ay sinisilip ko sya pero para syang mantika matulog. Tahimik pero mahirap gisingin.

Nagpadeliver ako ng lunch instead na lumabas kami, para narin makabonding ko sya at masolo.

"Pie lunch is ready" ginigising ko sya pero para syang batang pumapalag at ayaw pang magising.

"Pie!" niyogyog ko ang tawan nya pero parang walang epekto. Gaya ng dati, ang paggising parin sa kanya ang sumusubok sa pasensya ko.

"Cutie Pie gising na" niyakap ko sya at pinilit na gisingin. Para syang bata na ang hirap gisingin sa umaga. Pumadyak padyak sya ng paa nya at uminat ng ilang besis.

Umupo sya at parang wala sa sarili. Magulo ang buhok nya at namimilog ang mga mata nya.

Hinarap ko sya at mabilis na hinalikan sa labi. "get ready, kakain na tayo" bulong ko.

Tumango sya at tahimik na pumasok sa banyo.

Paglabas nya, nakatali narin ang buhok nya, bagong hilamos at may hawak na sepilyo. Dumiretso sya sa nakatuping towel sa gilid at pinunasan ang mukha nya.

Antok syang umupo sa harapan ko at tinitigan ang pagkain.

Pinagmamasdan ko sya, ang mukha nyang walang make-up o kahit anong kalorete ay hindi nagbago. Sya parin ang pinakamagandang babaeng nakilala ko sa buong buhay ko.

Flashback...

Nasa study area kaming magkakaibigan. Nag-uusap paano kami uuwi ng sabaysabay na magkakaiba ang mga petsa ng mga exams namin.

Naglalakad silang tatlong magkakaibigan, sya ang nasa gitna. Nakaanime cut ang buhok nya, maikli sa likod at mahaba sa harapan. Makintab at bagsak. Ang mga mata nyang mabilog pero singkit ang gilid. May dimples at matangos ang ilong. Hurmado ang hugis ng katawan nya at halatang maarte.

"Hoy Gab! Corrupting minors ka! Freshie palang yan. Bata pa para tripan" si Carl.

"sinong may sabing pagtitripan ko?" seryoso kong sabi habang pinagmamasdan syang mabuti.

Nagtama ang mga mata namin, pero nagtaas lang sya ng kilay at inirapan ako. Napangiti ako, ngayon lang ako nakakita ng malditang maganda at malakas ang dating.

Sunod-sunod na ang pagkikita namin after noon. Nagkakasalubong kami sa college knowing pareho pala kami ng department, Business Administration and Accountancy. Marketing ang major nya habang ako naman Accountancy.

"regards sa nakapink" parinig ko habang nasa railing kami ng hagdan at mag-isa syang umaakyat"

"Tol grabe talaga ang tama mo sa batang yan, ano yan seryosohan na?" si Lester.

Pinagmasdan ko sya ng maayos. Umirap sya nang mapadaan sa amin. Napailing ako pero grabe, the more sya nagsusuplada the more ako nahuhulog sa kanya.

Hanggang sa alam ko na ang schedule ng mga klase nya at kung saan sya tumatambay at umuuwi.

Laro namin yun sa Basketball, nakita ko syang nanonood pero iba ang chinicheer nya, after ng game naglakas loob akong harapin sya. Kesa maunahan ng iba bahala na magmukha akong tanga. Hinintay ko sya sa dinadaanan nya pauwi ng dorm, natakot pa nga sya noong nilapitan ko sya. Nag-isip pa syang tumakbo pero inunahan ko na ng ngiti.

"sino ka?" takot syang nagtanong.

"may itatanong lang ako sayo" sabi ko na ikinalma nya.

"ano yun?" nangunot ang noo nya pero ang mga mata nya matulis parin ang mga titig, halatang walang tiwala sa akin.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon