Part 24

1.7K 51 12
                                    

NINA POV

Tahimik ang loob ng sasakyan. Halatang nahihiya ang kapatid ni Gab sa akin.

Simula nang ipakilala ako ni Gab sa kanya kanina hindi na sya ulit nagsalita.

"hahahaha" umalingawngaw ang tawa ni Bing sa loob ng kotse.

Napakunot ang noo ni Gab habang nagmamaneho habang ang dalawa nyang kapatid sa likuran nagbubulungan.

"totoo, nobya nga yan ni Kuya" si Bing. "ate Nina, ayaw maniwala ni kuya Drake"

Nilingon ko silang dalawa sa likuran at ngumiti ako sa kanya.

"may isa pa pala akong sasabihin sayo kuya" si Bing. "magiging tito kana"

Nagulat si Drake. "talaga kuya?"

Napatawa kami. Kanina pa sya tahimik tapos biglang lumakas ang boses nya.

Tumango si Gab. "kaya dapat makapasa ka kaagad kasi magkakaanak na ako"

Nilingon ko sya. Nahihiya sya at tipid na ngumiti sa akin.

Pagdating sa bahay nila, umingay ang kaninang tahimik dahil sa presensya ni Drake. Sya pala ang pinaka malambing sa kanilang tatlo.

Nasa sofa kami ni Bing at nanonood habang sila nasa kusina at pinapakain si Drake.

Tumayo ako para uminom ng tubig. Nasa harap ng ref si Gab at kausap si Drake. Nagbubulungan sila.

"akala ko si Ate Karen ang ipapakilala mo?" si Drake. "akala ko kayo pa?"

Umiling si Gab, "mag kaibigan lang kami ni Karen, naging close lang kami sa Maynila dati"

Tumango si Drake. "chic yang bebot mo kuya, artistahin"

Napangiti si Gab sa kapatid. Humakbang ako palapit sa ref, sinalubong ako ni Gab.

"iinom lang ako ng tubig" - ako.

Napatango sya. Kumuha sya ng baso na may tubig at inabot sa akin. "pie mamaya aalis ako, may bonding ang batch namin" bulong nya.

Napatingin ako sa relos ko habang umiinom. Mag-aalas nueve na ng gabi. Napatingin ako sa kanya at tumango.

"magpapakita lang ako, uuwi din ako agad" bulong nya.

Tumango ako at ngumiti.

Bumalik ako sa salas at kumaway kay Bing. "mauuna na akong matutulog Bing" tinuro ko ang tiyan ko.

Tumango sya at kumaway. "ako din aakyat na"

Nauna akong umakyat papunta sa kwarto si Gab. Pinaandar ko ang aircon at pumasok sa banyo para maligo.

Paglabas ko nasa kama na sya at nanonood ng TV.

"akala ko ba aalis ka?"

"di pa nagtext si Carlo, dadaanan nya ako dito" nilipat nya ang channel ng pinapanood nya.

Tumango ako at dumaan sa harapan nya para kumuha ng isusuot.

Tunalikod ako sa kanya para magbihis. Napangiti ako nang makita ang reflection nya sa picture frame. Nakatitig sya sa akin.

Pagkatapos kong magbihis. Umupo ako sa tabi nya at pinupunasan ang basang bahagi ng buhok ko. "sino si Karen pie?"

Napatingin sya sa akin, sa mga titig nya halatang nag-iisip sya ng sagot. "kab---"

"si Bing kasi naikwento nya sa akin, yun daw ang crush mo nong high school" ngumiti ako.

Matama nya akong tinitigan. Alam ni Bruce kung may gusto akong iparating, nagpaparamdam ako.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon