Part 20

886 39 3
                                    

NINA POV

Ilang besis tumawag si Dad, si Tita Sarah at si Diana pero ni isa wala akong sinasagot sa kanila. I want peace of mind. Pananagutan ko ang disisyon kong umalis na sa puder nila. Nakaya ko ngang tumayo sa sarili kong paa, how much more ang mabuhay na wala sila. Gusto ko na rin ng kalayaan ko mula sa kanila.

DAD:
Your such a disappointment for me. How dare you to do that to us. Sinayang mo ang opportunity ng magandang buhay.

Napangiti ako at napailing. Masyado na syang gahaman at nakakaya nya na itong sabihin sa akin.

TITA SARAH:
We need to talk. I need to see you. Please reply.

Napakunot ang noo ko sa text ni Tita. This is the first time for her to appear in my inbox.

DIANA:
I cant thank you enough. Nagulat ako sa ginawa mo pero masaya rin ako to hear that from you.

Binaba ko ang phone ko at binalik ang diwa ko sa mga inaayos kong pares ng mga damit para sa ipapasuot sa mga mannequins.

"Maam Nin, candy pants po ba ang mga pares nito?" Tinaas ni Flor ang ibat-ibang kulay ng pants.

Umupo ako sa sofa at tumango. Nahihilo ako at inaantok na naman. I feel weird lately. I dont know why? Maybe lagi lang talaga akong pagod, stress kaya ako ganito.

Bumukas ang glass door at umingay ang wind chime, niluwa nito si Gab na nakangiti at may hawak na take-out food. Inalsa nya at pinakita sa akin.

Hindi ako bumangon sa sofa, nanatili akong nakasandal at nakanguso. Im not in my mood to play pabebe now.

"What's wrong?" Napakunot ang noo nya at nilapag sa coffee table ang  dalawang paper bag.

Umiling ako at ngumiti. "Kulang lang ako sa tulog. How are you?" Tinaas ko ang kamay ko para maabot sya.

Tumango sya. "Im good" inayos nya ang buhok ko at pinagilid ang takas ng mga ito sa likuran ng tenga ko. "You should sleep, you look restless"

Tumango ako at tumayo.

"Jam, Flor kayo na muna ang bahala dito" pumasok ako sa opisina at kinuha ang bag ko at inayos ang mesa ko. Lagi kong sinasara ang mga steel cabinet ko dahil minsan iniiwan ko ang mga tseke dito.

"Ito yung lunch nyo" dinig kong sabi ni Gab na kinasaya ng mga tauhan ko.

Paglabas ko, bitbit nya ang isang paper bag. Kinuha nya ang bag ko at sinuot sa balikat nya. Napatingin sya sa akin at napakunot ang noo nya.

"What's wrong?" Bulong nya habang pinagbubuksan ako ng pintuan.

Umiling ako at ngumiti. "Stress lang ng kaunti"

Tumango sya at sunod akong pinagbuksan ng pintuan sa front seat.

Tahimik kaming bumyahe pauwi ng condo nya. Hanggang elevator wala akong imik. Pagpasok sa loob ng unit nya, nilapag nya ang dala naming pagkain at nilabas ito sa paper bag.

Korean food, bon chon!

"Your weird!" napataas ang isang daku ng kilay nya. Habang pinagmamasdan akong kumain.

"Inaantok lang ako pie, sorry?" napanguso ako ng wala sa oras.

Tumango sya at ngumiti. "Sige, finish your food"

Pagkatapos kong kumain, sumandal ako sa kinauupuan ko at pinagmasdan syang inuubos ang pagkain nya. Hindi ko maiwasang hindi sya titigan, takam na takam ako sa kanya. Pakiramdam ko sobrang gwapo nya sa paningin ko.

Bigla syang napatigil at ngumiti sabay titig sa akin ng 'may ano' look.

Napailing ako at ngumiti. "I miss you pie, thank you for the meal"

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon