Part 35

1.2K 67 23
                                    

NINA POV

Sa hotel ako natulog. Iniyak ko lahat ng isahan lang sa buong magdamag.  Bukas aalis na ako. Gustong wala na akong bitbit na mabigat sa dibdib ko.

Panay ang tawag ni Gab sa akin. Inoff ko ang phone ko at pinagmasdan ang mga sasakyang naiipit sa traffic.

Parang ngayon lang lumabas ang mga luhang tiniis ko sa pitong taon para sa kanya. Parang ngayon lang din ako nabasag.

Finally, yung closure na hinintay ko sa loob ng mga taong nakalutang ako sa ere ngayon ito na, hindi ko lubos maisip na ako pala ang tatapos ng lahat. Ako pala ang tatalikod at aalis sa harapan nya. All this time, tinik ko sa lalamunan ang takot na baka hindi ko kayanin kung iiwan nya ako, pero mali. Mas gusto kong iwan nya nalang  ako kesa araw-araw akong mabubuhay sa maling akala at pagkukunwari.

Napahaplos ako sa tiyan ko. "Kung may isang bagay akong pasasalamatan kay Gab, ikaw yun anak" kagat labi kong sambit.

Ilang besis kong hinaplos ulit ang tiyan ko at napapikit sa bawat galaw na ginagawa nya sa loob ng tiyan ko. Pakiramdam ko, ang kirot na naidudulot ng mga galaw nya nagpapahiwatig ng presenya nya.

Minsan sa isang relasyon, may isang matatag at handang magpakababa para ipaglaban ang kung anong alam nyang kaya pang isalba pero hindi pwedeng ikaw lang ang makikipaglaban hanggabg sa dulo. Walang sundalong nanalo sa gyera mag-isa laban sa isang batalyon.

Mas lalong hindi ka mananalo kung ang pinaglalaban mo nakikipaglaban rin para sa iba.

Magulo ang buhay, sobrang gulo. Humiga ako sa kama, pumikit
hanggang sa ginapangan ako ng antok.

Nagising ako sa malakas na katok sa pintuan. Pagbukas ko nakangiting mukha ng dalawa ang ang sumalubong sa akin.

Niyakap nila ako ng mahigpit.

Tinaas ni Rio ang hawak nyang supot ng pagkain.

"nilibre kita ng breakfast, alam kong matatagalan ka don, baka hindi kana rin babalik" napangiti sya.

Umiling ako at niyakap ang braso nya. "no Ri, i need you both to raise this little guy. Babalik ako after kong makabangon at makamove on"

Napatango sya.

Nakita kong napatitig si Tonya. "this struggle i have right now Yang, dont make this as an excuse para hi di mo ituloy ang kasal nyo ni Jeff" ngumuso ako. "make sure lang na registered ha?"

Ngumuso sya.

Napatawa ako, sa gaan ng pakiramdam ko para akong nakalutang. Nakalutang sa kawalan. Siguro namanhid na ako ng tuluyan kaya tuloy parang hindi na ako nakakaramdam ng kahit ano ngayon.

Alas sais ang flight ko papuntang Amerika.

"kayo na bahala sa boutique, babalik ako agad kung kaya ko nang ibyahe si Noah pauwi" nakangiti kong sabi.

Umiling si Ri, "huwag kang magmadali Nin, kami nang bahala sa boutique mo dito. Ayusin mo ang sarili mo. Gusto ko pagbalik mo magaling kana at masaya"

"oo nga Nin, huwag kang magmadali. Masyadong mabilis ang lahat, take it slow. Heal everything first" si Tonya.

Napangiti ako at tumango.

"i want to see another version of Nina pagbalik mo. Yung matapang at matatag na, gusto ko pagnagkita kayo ulit ni Gab hindi kana iiyak at mauuto ng - - -" umirap sya, "alam mo na"

Napatawa kaming tatlo. True. Masyado akong nadala sa pisikal na anyo ni Gab, masyado akong naging immature at nagpadalos dalos sa mga time na nagkausap kami noon.

Too Fast...Too Sweet... Too Painful! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon