Prologue

1.1K 58 28
                                    

Prologue

RAZE GEDEON P.O.V

12 midnight na pero nandito pa din ako sa office ko dahil may importante akong binabasang kaso at hindi naman ako makapag focus sa condo ko magbasa ng kaso dahil aantukin lang ako.

Ilang minuto ang nakalipas ay napatintin ako sa cellphone ko dahil sa isang tawag.

"Hello?"

"Is this Attorney Raze Esquire?" Tanong ng isang lalaki sa akin sa kabilang linya.

"Yes, why?" Kumunot bigla ang noon ko dahil sa tanong niya.

"Ang sabi po kasi ni Ms. Arabella Villamontes ay tawagan kita dahil ikaw daw po ang abogado niya."

"What?! What her case?" Gulat kong tanong at saka napaayos ng upo dahil sa narinig ko.

Bakit ako? Ano ba ang ginawa niya at umabot pa sa punto na kailangan niya ng abogado?

"Binuksan po ulit ang kaso ni Mr. Lorence  Trinidad at si Ms. Villamontes po ang itinuturong may sala. Pumunta na lang po kayo dito sa police station para makausap siya." Mahinahong sagot sa akin nung lalaki sa kabilang linya.

"I'm not her lawyer." Diretsyong sabi ko.

"Pero sabi po kasi niya, ikaw daw po. Pasensya na po."

Hindi na ako sumagot pa at pinatay na ang tawag. Why the fuck she wants me to be her lawyer? What happened to her? Why does she need a lawyer?

Andaming tanong ang nabuo sa isipan ko dahil iba ang pakiramdam ko sa pagbubukas muli ng kaso ni Lorence.

Napahilot ako sa sintido ko dahil sa tawag na iyon. Paanong nabuksan ulit ang kaso na yon? Sino ang nagbukas ng kaso niya?

Whoever is able to open the case. I know that lawyer is a good lawyer 'cuz there's already some lawyer who tried to open his case for the sake of media and promotion but none of them succeed because of lack of evidence.

Nawala ako sa pag-iisip ng makitang tumatawag si Lola.

"La, bakit ka napatawag?" Sinagot ko kaagad ang tawag niya dahil sa pag-aalala. Madalang kasi ito tumawag sa akin.

"Nabalitaan mo na ba ang tungkol sa pagbubukas ulit ng kaso ni Lorence?" Hindi ako sumagot sa tanong ni Lola dahil parang alam ko na kung saan hahantong itong pag-uusapan namin na ito.

Narinig ko siyang bumuntong hininga bago magsalita ulit. "Apo... pwede bang ikaw ang tumayong abogado niya? Hindi kasi pwede ang Tito Enrique mo dahil nasa hospital pa siya." May pakikiusap na sabi niya sa akin.

"Bakit po ba kailangang tayo ang lumalaban ng kaso ng mga Villamontes?" Tanong ko. Kasi palaging Esquire ang humahawak ng kaso ng mga Villamontes na akala mo tauhan sila ng mga ito.

"Apo..." pakikiusap ni Lola sa akin.

"I know that you're friends with the Villamontes, La pero..." hindi ko magawang ipagpatuloy ang gusto kong sabihin dahil baka pagtalunan lang namin iyon ni Lola.

"Apo. Ara is innocent. The Villamontes only trusted the Esquire kaya puro mga Esquire ang nagiging abogado nila."

——

Pagpunta ko sa police station na sinabi ng tumawag sa akin ay naabutan ko na sobrang daming reporters na nagkakagulo sa labas ng prisinto.

"Attorney Esquire!" Tawag sa akin ng isang reporter noong nakita ako. Agad akong naglakad ng mabilis papasok sa presinto.

"Ikaw po ba ang abogado ni Ms. Villamontes?"

Wala akong sinagot na kahit ano sa tanong nila. Tinulungan ako ng mga pulis na makaalis sa maraming reporters para makapasok ng presinto.

Inclement Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon