Chapter 3

473 45 12
                                    

Chapter 3

"Oh? Anyare sayo?" Eros ask while laughing.

"Wala," I answered him coldly.

"Anong wala? Ano nga? Mukhang wala ka sa mood." Pangungulit niya pa. Bakit ba kasi dito pa 'ko nagpunta sa condo niya? Pwede namang kila Aries o Dice na lang ako magpunta. Sa makulit pa 'ko nagpunta.

Hindi ko siya sinagot. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sofa niya at naglakad papunta sa kusina, binuksan ko ang ref niya para kumuha ng beer.

"Hulaan ko, nag-away kayo ni Mav no?"

Bumuntong hininga ako saka siya hinarap. Nakaupo siya sa high chair at nakapangalumbaba na nakatingin sa akin. "Nakakainis lang kasi na hindi niya 'ko maintindihan. Hindi siya makapaghintay," pagod kong sagot saka ininom ang in-can beer na hawak ko.

"Bakit ba kasi ayaw mo pa kayo magsamang dalawa? Kahit ano naman kasing gawin mo mahuhusgahan at mahuhusgahan si Cha dahil sa ginawa ng parents niyo. Wala kayong kasalanan do'n. Magulang niyo may kasalanan do'n." Umayos siya ng upo saka mas lalo akong tinignan ng seryoso. "Sarili mo nalang kinakalaban mo Raze eh. Natatakot ka na baka mawala ang lahat sayo. Lahat ng pinaghirapan mo, bakit? Yung kay Mav ba hindi mawawala? Mav is always willing to risk everything for you. Wala siyang pakialam sa mawawala sa kaniya just to be with you. Ang unfair mo naman yata." Dagdag niya.

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Eros. Iniisip ko lang naman ang future namin ni Mav. Hindi naman pwedeng sabak lang ng sabak.

"Wala din naman kayong problema sa magulang niyong dalawa bukod sa Mommy ni Mav at Abuela. Kaya anong pinaglalaban mo? Attorney Marco Vergara is powerful than the de Montaigne. Kaya kung kakalabanin niyo man ang mga de Montaigne, I'm sure Mav's father will help you and Mav."

"I don't need her father's help, Eros. I just need time." I said calmly. I massaging my forehead sa kawalan ng masabi kay Eros.

Alam ko naman lahat ng 'yon pero inaalala ko din kasi si Ate. I just want to make sure that she's fine. I know my mom will get mad at me kapag mas nahusgahan si Ate dahil sa amin ni Mav.

Andami ko na naririnig na mga sinasabi ng ibang tao tungkol kay Ate sa pagiging Esquire niya. Ramdam kong nasasaktan siya. Madali siyang maapektuhan sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa kaniya.

I'm also just scared for my sister... that's it.

"Alam kong iniisip mo din si Cha. Natatakot ka na baka mas lalong lumala ang panghuhusga sa kaniya. Baka isisi pa sa kaniya ng mga tao kung bakit hindi kayo pwede ni Mav... pero Raze bakit kay Cha isisisi? Hindi naman siya yung nagkasala. Bunga lang siya ng pagkakamali ng magulang niyo pero bakit si Cha ang umaani?"

"I am asking the same thing Eros. Bakit kailangang si Ate? She's already suffering from the judgments of other people. Kaya nga kahit gustong-gusto ko na makasama si Mav pinipigilan ko ang sarili ko. I don't know what to do anymore. I want to be with Mav and just be selfish pero minsan naiisip ko na h'wang nalang piliin makasama si Mav at maging selfless nalang."

"Hanggang kelan magiging second option si Mav, Raze?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya agad.

"She's not a second option, Eros."

"She is. That's what you're making her feel kasi iyan ang ipinapakita mo. Puro ka Cha. Anong mangyayari kay Cha? Baka masaktan si Cha? Baka mas lalo siya magsuffer sa panghuhusga ng ibang tao dahil sa amin ni Mav. You always think about your sister. Kailan mo iisipin si Mav? Kapag nagsawa na siya? Raze may limitasyon ang lahat ng bagay at ang pagmamahal sayo ni Mav may limitasyon din. Hindi excepted si Mav sa mga bagay o tao na may limitasyon. I'm telling you this because I don't want you to regret it in the future. Make up your mind and talk to Cha." He sighed heavily and continued. "You need to talk to your sister first, to inform her that you're going to continue what's with you and Mav. Para kung sakaling may marinig sa ibang tao hindi niya magagawang isisi iyon sa sarili niya kung sakaling nagkaproblema kayo ni Mav. I know that Cha is already suffering. She's not just suffering because of your parents she's also suffering because of..."

Inclement Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon