Chapter 14

312 29 8
                                    

Chapter 14

"Raze." Masayang sabi ni Ara noong binisita ko siya dito sa kulungan. Umupo siya sa upuan na nasa tapat ko.

"Uhm... May gusto sana akong sabihin sa'yo." Nag-aalalang panimula ko. Ang masayang muka niya noong makita ako ay biglang nagbago. Napalitag kaagad ito ng kaba.

"A-Ano 'yon?" Nauutal na tanong niya sa akin.

"Someone tried to kill you mother." Pagkasabi ko noon. Bigla siyang tumayo.

"What?" She exclaimed. "I-Is she okay? Sino yung nagtangka sa buhay ni Mommy? Sinabi niyo ba sa police? Raze ano? Sumagot ka naman." Umiiyak at hindi magkanda ugagang sambit.

"She's fine, Ara. Please calm down." Kalmadong sabi ko. Bumalik siya sa pagkakaupo niya sa harapan ko.

"Paano ako kakalma kung nasa peligro ang Mommy ko? Kaya nga hindi ko magawang masabi ang totoo noong nasa korte tayo dahil pinagtangkaan na nila ang buhay namin ni Mommy."

"Calm down. Okay na siya. Nagpadala na ako ng mga tao sa hospital kung nasaan ang mommy mo para mabantayan siya. Kahit sa bahay niyo at dito. I'll do my best to make you and your parents safe. I promise."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tumango-tango ng magkakasunod.

"Salamat. Salamat talaga." Sinserong sambit niya. "Alam kong dahil sa kasong to hindi kayo okay ni Mav pero kahit na ganoon nagpatuloy ka pa din bilang abogado ko. I'm sorry ako nanaman yung naging dahilan kung bakit kayo nagkakaganyan." Yumuko siya at saka pinunasan ang luhang nanggaling sa mata niya.

"It's not your fault. Labas ka sa kung ano ang meron samin ni Mav. I'm your lawyer so I'm just doing my job." Huminga ako ng malalim at mas tinignan siya. "Stop lying inside the court. Sabihin mo yung totoo at lahat ng nalalaman mo. If you want to win then be honest and strong. I'll get you out of here but you need to help me. The help that you only can do for me is, to be honest and strong. Don't let them control your emotions and don't mind their threats on your life because I'm here. I won't let anyone hurt you."

She sighed. "Okay. I promise. I won't lie again. I'll tell everything that I know."

I smile at her. "Your last trial is near. Ready yourself, okay?" She nodded to me.

"Tingin mo... mananalo tayo?" Nag-aalinlangang tanong niya.

"It's... depends on the judge. You need to be strong. I and Eros are doing our best para matapatan ang defense nila. Medyo tagilid tayo dahil nagsinungaling ka."

Yumuko siya at saka bumuntong hininga. "I'm sorry."

"It's okay. Aalis na 'ko."

——

Pagkatapos kong dalawin si Ara. Bumalik na ako sa condo ko para pag-aralan ng maigi ang kaso at makapaghanda sa huling hearing niya.

Habang nasa swivel chair ako at nagbabasa ng kaso napatingin ako sa cellphone ko noong nakitang tumatawag si Anthony sa akin. Agad kong kinuha ang cellphone kong nakalapag sa lamesa ko sa gilid ng laptop ko at saka sinagot kaagad iyon. Kahapon ko pa kasi hinihintay ang tawag ni Anthony. Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira ngayon.

"Anthony." Bulaslas ko kaagad.

"Gusto mo daw ako makausap?" Kalmadong tanong niya.

"Yeah. It's about Ara's case. Pwede ka bang makausap? I need to talk you."

"Sige. Saan mo ba tayo gustong magkita at kailan? Gusto mo ngayon na?"

"Sige ba. Saan ka ba pwede? Nandito lang naman ako sa condo ko."

Inclement Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon