Chapter 37

367 33 15
                                    

Chapter 37

Magpupunta kami sa samyup para kumain ng lunch. Sa kotse ako ni Ara sumakay habang si Timmy at Kath kay Aira sumakay. Si Hira naman ay kay Alli sumakay. Habang nasa byahe kami kinuha ko ang cellphone ko para itext si Raze. Sigurado ako na nasa airport na 'yon at nakapatay na ang cellphone.

To. Mi Amore:
Ingat ka ah? One month lang binibigay ko sayong palugid saka ano. Tayo na. I'm your girlfriend na kaya behave ka dyan. I love you.

"Kinikilig ka naman dyan. Sino yang katext mo?" Tanong ni Ara na nasa daan pa din ang paningin.

"Wala. Tinext ko lang si Raze." Sagot ko sa kaniya.

"Bakit nga pala hindi mo siya hinatid sa airport? Ang alam ko lahat ng pinsan niya, parents niya at mga kaibigan niya nandoon. Sayang mameet mo na sana sila." Nakangiting sambit sa akin ni Ara.

"Ayoko siyang ihatid. Baka umiyak lang ako saka baka hindi ko lang siya paalisin." Nakangusong sagot ko sa kaniya. Natatawa naman siyang tinignan ako sandali at bumalik din sa daan ang paningin.

"At baka din bigla ka nalang bumili ng ticket para sumama sa kaniya." Sabi niya habang tumatawa. I pouted my lips and looked away. She's right. Kung inihatid ko si Raze baka bumili din ako ticket para sumama sa kaniya.

"By the way... I heard that you're engaged again with Lance?" She glanced at me again.

"Yeah." Walang ganang sagot ko. Nasa labas lang ang tingin ko. Hindi naman siya nagsalita na ulit noong sumagot ako. "Kinuha ko kay Eros yung kaso ni Abuela. Si Eros kasi ang humahawak no'n at siya din kasi ang kinuha ni Aira. Hindi alam ni Raze na kinuha ko ang kaso ni Abuela kay Eros at gusto ni Raze na h'wag muna ako kumuha ng kaso dahil gusto niyang magpahinga muna ako."

"You should rest. I know that you're still hurting because of Lorence's death and what Luisa did to you so Raze is right. You need to rest." Pagsang-ayon niya kay Raze. Bumuntong hininga ako saka siya nilingon. "Hindi mo sinabi?" She asks and glanced at me.

"Hindi. Kasi... baka hindi tumuloy 'yon sa pag-alis." Nakangusong sagot ko.

"Hindi talaga aalis 'yon. Sabi ni Tito your Abuela's case is dangerous. Hindi lang daw simpleng negosyante ang kalaban ng Abuela mo."

"Oo. Pinagtangkaan nga ang buhay ni Abuela."

"Kaya mas okay na sabihin mo kay Raze dahil baka pag-awayan niyo lang yan. Alam mo naman 'yon. Pagdating sayo may konting kumanti lang sayo nagwawala na."

"Paano kapag bigla yon bumalik dito sa Pilipinas?"

"Edi bumalik siya. Wag mong pansinin kapag bumalik." Natatawang sabi niya. "Char." Tinawanan ko din siya at nailing nalang.

Ipinarada ni Ara ang kotse niya sa tabi ng kotse ni Alli. Sabay kaming lumabas at naabutan namin sila Aira na nasa pintuan na.

Pumasok kami doon saka iginala ang paningin para humanap ng bakanteng lamesa. Noong makahanap kami naglakad kami papunta doon.

Umupo sila Timmy, Alli at Ara sa tapat namin nila Aira, at Kath. Nasa gitna namin ni Aira si Kath. Ang katapat ko ay si Alli habang si Timmy naman ang katapat ni Aira at si Kath ang katapat ni Ara. Si Hira ay nasa center. Habang namimili kami sa menu napatingin nalang kami sa kabilang side noong may tinawag si Hira.

"Cassie!" Tawag ni Hira doon sa magandang babae na kaibigan nila Raze. Nilingon niya si Hira at nginitian ito. May sinabi siya sandali sa kausap niya bago naglakad papunta sa table namin.

Wow, she's so elegant and beautiful.

She's wearing white trousers, black tops and a white coat on top of her blacktops. Her white Chanel chain bag is in her left hand.

Inclement Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon